NOLAN'S POV: AWANG ang labi ko habang napapagala ng paningin sa paligid ng batis kung saan kami nagpunta ni Mackenzie! Hindi kasi nito sinabi kung saan kami pupunta. At sobrang saya ko na makita ang batis na tinutukoy nila tatay Elias sa akin. Tama nga sila. Napakaganda dito na para kang nasa enchanted forest. Malinaw ang kulay asul nitong tubig. Napapaligiran ito ng mga nagtataasang punong kahoy. Maraming wild orchid ang nakakabit sa mga puno at batuhan na iba't-ibang uri at kulay na lalong ikinaganda ng lugar. "What? Tutunganga ka lang ba? I thought you want to swim here?" untag nito sa akin na naghubad ng suot nitong sando at pants. Napalunok ako na nag-iwas ng tingin. Tiyak na malilintikan ako sa kanya kapag pinanood ko siyang maghubad. Ang hirap pa namang huliin ng kiliti nito. M

