NOLAN'S POV: PALAKAD-LAKAD ako dito sa harapan kung saan ang mini stage na itinayo namin dito sa gitna ng burol. Maaliwalas ang panahon ngayon at tamang-tama lang ang sikat ng araw dahil medyo maulap. Mahangin dito at nasa mataas na parte kami ng burol. Kaya napakaganda ng tanawin namin na puro berdeng malalawak na lupain. Tanaw din ang bayan sa ibaba namin. Maging ang kulay asul na dagat sa kabilang bayan ay tanaw dito sa burol. Nandidito na rin ang mga trabahador ng hacienda. Ang pamilya namin, mga kaibigan at lahat ng sponsor sa kasal namin ay nandidito na. Ang dalawang bride na lamang ang hinihintay namin at mga kasama nilang naiwan sa mansion kanina. “Kalma, boss. Parating na sila.” Wika ni Drugo sa akin na marinig namin ang hugong ng paakyat na jeep. Napabuga ako ng hangin. Na

