NOLAN'S POV: NAPAKAMOT ako sa kilay na nangingiting sinundan itong nagtungo sa kama dito. Double size lang ang kama. At sa laki ko, tiyak na si Mackenzie lang ang kasya dito. Hindi kami kasyang dalawa. Naupo ako sa gilid ng kama katabi ito. "Hindi tayo kasya dito, Nolan. Sa sahig ka," wika nito na nakamata sa kama. "Honey, mag-isa lang ang higaan dito. Lalamigin naman ako," apila ko dito na napataas ng kilay sa akin. "At anong gusto mo? Ako ang matutulog sa sahig, hmm?" sarkastikong tanong nito na ikinangiwi ko. "Hindi naman sa gano'n, honey. Pwede namang. . . magsiksikan na lang tayo dito," sagot ko na inginuso ang kama. "Mainit. Ayoko." "Bubuksan ko ang bintana," suhestyon ko na ikinataas kilay nito sa akin. "E kung may dumungaw na aswang, kapre o dwende d'yan sa bintana m

