[Naomi's pov] Namatay na sila? Kung ganoon ay paano sila nabuhay? Ang g**o di ba? Posible bang may mahika na kayang bumuhay ng patay? "anong magic meron ka?" tanong ko kay Kleo Naiwan kami ni Kleo rito sa sala dahil gusto ko siya makausap ng sarilinan. Wala akong ideya na isang magic user si Kleo. Sabay kaming lumaki at hindi ko man lang napansin iyon. Ang galing rin maglihim nitong si Kleo. Pinakita niya ang hintuturo niya at may lumabas na kuryente roon pero may bahid ito ng itim senyales na isa na siyang dark magician. "electricity ang ability ko kaya napagkamalang light magic" seryosong sabi niya "dahil sa napagkamalan ako ay hinarang ako ng mga dark magician at napatay" mapait niyang dagdag Ganoon pala nangyari sa kanya. Batay sa ekspresyon ni Kleo ay hindi naging madali para

