[Naomi's pov] Nakabalik na kami mula sa camp. Pansin ko ang pag-iwas sa akin ni Citron. May posibilidad kaya na naalala na ni Citron ang ginawa namin sa kanya? Napakagat ako ng kuko. Paano na? Isusumbong kaya niya kami sa ibang prinsipe? Maraming scenario ang naiisip ko. Tulad na lang na bigla akong masusunog ng buhay gawa ni Aidan. O kaya iaambush ako nila para mapaamin. Waaah! Anong gagawin ko? Napasabunot ako sa buhok saka inuntog ang ulo ko sa aking desk rito sa aking opisina. "problema mo?" taas kilay na tanong ni Jija sa akin kaya napaangat ako mula sa pagkadukmo "iniiwasan ako ni Citron" sabi ko "palagay mo nakakaalala na siya?" Pinagtaasan ako lalo ng kilay ni Jija "mukhang hindi naman... masyado ka lang praning" irap niya saka hinawi ang buhok "eh bakit niya ako iniiwasan?

