Chapter 8

1718 Words
Chapter 8   "Hirap mo mahagilap ah,." Pang aasar ni Ej kay Daniel. "wala ka rin sa Party kagabi," dagdag pa nito. "Yes, busy to top the exam." Pagmamayabang ni Daniel. "Grabe bro,. Pursigido ka talaga ah." komento ni Diego. "Oo naman, ang pangit naman na kayo graduate na ako nag-a-accounting pa... unfair yun." Parang ang gaan ng pakiramdam ni Daniel ngayon. Na sya namang napansin ng mga kaibigan nya. "Pero bro, di ka naman ganyan ka-determinado dati. Something is changed." komento ni Niel na parang ini-examine pa si Daniel. "Anu nanaman yan?" Pagtatakang tanong ni Daniel.  "Sa isang linggo twice ka lng nakakadalaw dito. Di ka na nakakasama sa night out, and namimiss ka nang mga girls mo..." dagdag pa nito. "Tama si Niel eh,.. at alam namin may dahilan." interesadong sabi ni Diego. "At ok lang kung aamin ka." Singit ni Diego.  Mukhang napagusapan na sya nang mga kaibigan nya bago pa nya ito nakita. "Mge Dre, nag-aaral lang ako.  Gusto ko lang maka graduate" simpleng sagot nya. "Okay, sabi mo eh" sabi nang mga ito na parang hindi nakombinsido.  Napapansin na nang mga kaibigan nya ang kakaibang aura nya nitong mga nakalipas na araw.  Madalas narin ito hindi mahagilap dahil lagi nalang si Kath ang kasama. "Basta bro, di ka dapat absent mamaya ha." paalala ni Ej. "Oo na..." pumayag nalang si Daniel. Matagal na sya nito kinukulit na mag night out. Di nya alam tinatamad na sya pumunta ng bar. Naisip nya baka pagod lang sya sa kakareview and minsan kapag lumalabas sila ni Kath, physically nanapagod sya. Marahil yun ang dahilan.   Naglalakad ngayon si Daniel sa hallway papunta sa classroom nya. "Hey babe, i missed you. Ilang linggo ka ng di nagpaparamdam ah." Sabi ng isang babae na nakakapit kay Daniel ngayon. "Im busy. And besides? and please stop calling me babe." Daniel. Naglakad na palayo si Daniel. "Hey Dj, I thought you're coming last night. Its my birthday, ikaw pa naman ang special guest ko." May pagtatampo na sabi ni Daniel. One of his flings. "Sorry, I'm busy eh." simpleng paliwanag nya.  "And I don't feel like going out." Pagkapasok nya sa classroom lumapit naman sa kanya si Jena. Di pa nya ito naging girlfriend pero madalas silang naglalandian sa bar, make-out. "Hey babe, how are you?" Malambing na sabi ni Jena. "I'm great" simpleng sagot ni Daniel na nagbabasa nang notes. "Why don't we make it greater?" malanding sabi ni Jena while running his fingers to Daniel's shoulder. Napailing lang si Daniel.  Hindi na sya comfortable na may ibang humahawak sa kanya.  Dahan-dahan nya itong naitulak, "Sorry, may gagawin pa ako." Tumawa lang ito at bumulong "See you later..."  Ito ang isa sa rason na ayaw na nya na pumunta sa bar.  Hindi na sya nag i-enjoy sa mga bagay na nagpapasaya sa kanya dati.  Pupunta lang sya para pagbigyan ang mga kaibigang nagtatampo na.  Biglang tumunog ang cellphone nya. "Hey Mr. Everyone's-babe. Hahaha" text ito ni Kath. Marahil nakita nito ang mga babaeng lingkis nang lingkis sa kanya. "Ganyan talaga pag-gwapo. Teka, everyone? So that includes you too? Right.. babe?"  Reply nya kay Kath na nakikipag-asaran.   "In your dreams Mr. YABANG. Ok bye, may class na." Napangiti si Daniel while reading Kath's reply. Kaaiba talaga sya sa lahat ng mga babaeng nakilala nya.  But her uniqueness is making him happy.  Lalo na ngayon na masasabi nyang mas malapit na sila sa isa't isa.  Mas nakilala na nila ang isa't isa.   Canteen "Oh, look who's here. Si rich girl alone again. Bakit? Tapos na ba sayo si Daniel?" Sarkastikong sabi ni Jena. Nagtawanan naman ang ibang studyante, habang ang iba ay walang pakialam. Apat na oras na ang nakalipas matapos ang huling paguusap ni Kath at Daniel through text. Di naman sila magkaklase ni Daniel kaya di din sila nagkakasama. Sa library lang talaga at sa labas ng school. Di nalang ni Kath pinansin si Jena, at patuloy na kumain. Apat na taon syang nagbibingi bingihan sa mga pang-aasar ng mga classmates nya. Lalong-lalo na si Jena, di nya alam bakit ayaw sa kanya nito. Lumipas ang oras na walang Daniel Miranda ang nasa paligid nya, wala kasi silang usapan. Kasi isang topic nalang ang hindi nila nadidiscuss. Nakaschedule yun kinabukasan. Next week na kasi ang midterm. "Alam mo mamaya pupunta daw sa bar si Dj. Matagal-tagal din syang di nakakapunta dun." natigilan sya sa narinig nya mula sa labas ng toilet.  May grupo nang mga babae na naguusap. "Sama kasi ng sama kay rich girl eh." Sabi nung kasama nya. "And for sure wala si rich girl sa bar, so may chance tayo to spend a night with Dj,. Gosh I'm so excited." Naisipan ni Kath na wag muna lumabas kaya patuloy na pinakingan ang paguusap sa labas.  Naisip nya, si Daniel likas ang pagiging babaero at ang mga babaeng ito ay likas sa kalandian. Sinong matinong babae ba ang maexcite na maka one night stand ang isang lalaking pagkagising eh pwedeng di nya na alam ang pangalan mo. Kahit kasi malapit na sila ni Daniel sa isat-isa, di nya inaalis sa isip nya na may iba pang mundo ito.  Yung mundo na hindi nya kayang pasukin. Agad syang lumabas ng maramdaman nyang umalis na ang mga ito. One thing na pinagpapasalamat nya na strikto ang magulang nya ay lumaki sya na mas priority ang mga bagay na kabuluhan.   Nagpatuloy lang ang araw ni Kath.  The day seemed long dahil walang Daniel ang nagungulit, parang feeling ang ang dry at ang lungkot nang araw nya.  Aamin na sya, nasanay na sya sa presensya ni Daniel. "Dinner after midterm ha. Napagpaalam na kita kay Tito. Pumayag na sya, Bye." Naiinis sya sa paraan nang pagyaya ni Quen, akala nya ata gusto ko sya makasama. Di na sya binigyan pa ng pagkakataon na tumanggi at ginamit pa ang pagiging close sa magulang nya.   Bar "Let's start the party!!" Sigaw ng DJ nang bar kasunod nito ang maingay na kanta na sinasayawan ng lahat ng tao sa bar. Di mapalagay si Daniel. Hindi nya alam kung bakit. Para bang di na sya masaya sa kung nasaan sya ngayon. "Hey, let's dance." Pangungukit ng isang babae na halos lumabas na ang kaluluwa sa damit. "Ayaw ko." Simpleng sagot sabay inom. Light lang ang drinks nya, wala daw sya sa mood uminom eh.  Umalis ang babae, napagod na siguro sa pangungulit sa kanya. "Brad, ilang babae na tinanggihan mo ah." May halong pag tataka na tanong ni Diego "At balita ko kanina, pati si Jena tinanggihan mo" dagdag pa ni Niel. "Wala ako sa mood magparty. Marami pa akong dapat i-review sa monday na ang midterm." Pagpapaliwanag ni Daniel "Bro, halos isang buwan ka na review ng review. Ipapaalala ko lang sayo, graduating ka lang ha. Hindi running for c*m laude." natatawang komento ni Ej. "I know..." sagot ni Daniel. "Pero diba kailangan ko ma-perfect ang exam?" paalala nya dito. "Bro, it seems like you're not happy in your real world anymore." seryosong komento ni Diego.  Matagal nang napapansin ito nang mga kaibigan nya.  Natahimik sila, hinihintay ang sagot ni Daniel. Matagal na nila tong napapansin dahil dati, he can't live a life without gilrs and night out. Pero ngayon, he's acting na parang he never did theses things before. Di naman sinagot ni Daniel. Iniba nya ang usapan para makatakas nadin sya.  "Sumakit na ulo ko. Next time nalang ako babawi brad." Umalis na sya ng bar. Iniwan ang mga kaibigan na nagtataka. 9:30pm palang ng narating ni Daniel ang condo nya. Fifteen minutes na syang nakahiga sa kama nya. Iniisip ang mga sinabi nang mga kaibigan nya, kasabay noon ang pagdaan ni Kath sa isip nya.  Maya-maya naisipan ni Daniel na itext si Kath. Pero di nya alam sasabihin nya, nakailang ulit na sya sa pagreretype ng text. "Baka tulog na yun..." sabi ni Daniel sa sarili Nagtype sya ulit ng "goodnight" pero re-type nanaman. Di nya alam bakit parang kinakabahan sya. Pumikit sya saglit ng halos mapatayo sya ng tumunog ang cellphone nya. Asar, GLOBE REWARD lang pala.  He took a deep breath and dialed Kath's number,. "Hindi dapat ako kabahan. Daniel Padill--" napahinto si Daniel sa pagkausap sa sarili ng marinig ang boses ni Kath sa kabilang linya. "Daniel?" Kath "Ahm, Kath... ah..." Daniel He kept on stammering. Ngayon lang nangyari sa kanya to habang nakikipagusap sa babae.  "Daniel, lasing ka ba?" Tanong ni Kath na halata namang naiirita sa ginagawa ni Daniel. Huminga ng malalim at... "Kath, are you free tonight? Don't worry di ako lasing. Kanina pa ako wala sa bar. Ahm.. anu eh, I want to watch fireworks... I want to watch it .... with you." atlast nasabi din ni Daniel.  Hindi agad sumagot si Kath. "Daniel, nayayaya ka ng ganitong oras? Alam mo bang nakapantulog na ako?" yun nalang ang nasabi ni Kath, pero wala nang bakas ng iritasyon sa boses niyo. "Nagbabakasakali lang naman."  Hindi na muling nagsalita si Kath. Pero matapos ang ilang segundo.  "Ok, tatakas ako. Malamang di ako paayagan. Hintayin mo ako malapit sa bahay." "Yes, whoo... ok... i'll be there in a while. Take care sa pagtakas. Ahm, thanks Kath." Daniel. Masayang masaya sya si Daniel sa pagpayag ni Kath. Di nya mapaliwanag ang nararamdaman nya.   Halos thirty minutes din bago dumating si Daniel.  Nang makarating sya sa pinagusapang tagpuan ay tinawagan nya si Kath.  Wala pang ten minutes ay nakita na nya si Kath na palapit sa sasakyan nya. "Hey, kanina ka pa?" Kath na medyo hinihingal dahil sa pagtakas. "Di naman... eto jacket." Motor ang sinakyan nila. Di nila alam kung bakit ang saya-saya nila. Pero di rin nila ito pinapaalam sa isat-isa.  "Kumapit ka ha." hinila nya ang mga kamay ni Kath para yumakap sa bewang nya, nakarating sila sa pupuntahan nila. "Wow, you have a yacht?" kath "Sa dad ko to,. Dito ako tumatambay kapag gusto ko mapagisa. Every friday night may fireworks dito. Kaya ayan, ipapanood ko sayo." Daniel "ok, wala paba?" Kath "Wait, malapit na." Nakarinig na sila ng putukan after magsalita ni Daniel. Di napigilan ni Daniel hawakan ang kamay ni Kath. Napatingin naman si Kath sa kanya. "Ok lang ba?" Daniel Di sumagot si Kath, hinigpitan nya lang ang hawak sa kamay ni Daniel.  Parang naging tama na ang lahat noong nakasama nya si Kath.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD