Chapter 5

1060 Words
Chapter 5   "Hi Kath,. Can I join you?" Napatingala sya sa dumating, it's Quen.  Ka-schoolmate nya na minsan nag pi-feeling close.  "Ahm.. sige." No choice si Kath, wala syang maisip na alibi, kaya pumayag na sya.  Balak nya nalang wag pansinin at ipagpatuloy ang pagbabasa. Matagal na sya hinahabol ng lalaking ito, palibhasa family friend nila, kaya di nya mapalayo bast-basta.  She hates his guts, kung umasta kasi minsan akala mo boyfriend. Pag inaway naman nya nagsusumbong sa parents ni Kath at dahilan na napapagalitan si Kath. "So, dinner later ha. 6pm I'll pick you up" laging ganito si Quen, kung magyayaya ay mukhang sigurado sya na papayag ako.  Pakiramdam nya ata gusto ko din sya makasama. "May gaawin ako eh,. Sorry." sagot ni Kath.  "Anu naman gagawin mo? Diba hangang 4pm lang pasok mo?" Isa pa yan, alam nya sched ni Kath. Palibhasa may gusto sa kanya yung sa registrar. "Ahm... kasi." Di nya pwede sabihin na si Daniel kasama nya, tiyak mas magkakaproblema sya. "I have to meet Julia and Yen... kakarating lang ni Julia from hongkong eh," totoo naman ang sinabi ni Kath, kayalang sunday pa sila magkikita. "May gagawin pa pala ako, bye Quen." bago nagmamadaling umalis at iniwan si Quen.   Nasa classroom na si Kath.  Buti nalang di na sya hinabol habol ni Quen.  Hindi nya talaga gusto ang presensya nang taong yun.  Hindi nya lang masabi sa mga magulang nila dahil gustong-gusto nila ito.  Habang naghihintay nang klase si Kath, naisipan nyang i-text si Daniel. "6pm sa starbucks sa harap ng school. Don't be late" Agad naman ito nagreply. "Yes boss. See you later." Hindi alam ni Kath bakit napangiti sya sa reply ni Daniel. Pero agad nya winaksi ang iniisip nya.  Wag kang papadala sa charm nya, delikado. Sabi nito sa sarili.   6:00pm Nagmamadali si Kath makapunta sa starbucks, nalate sya dahil nagextend sila sa klase. Nainform nya naman si Daniel.  Pero hindi parin sya comfortable na sya ang late. Pagkadating nya sa coffeeshop hinanap nya agad si Daniel. Nakita nya ito na may kausap na babae. Mukhang naglalandian ang dalawa.  Natigilan sya, nagmamadali pa ako, mukhang enjoy na enjoy naman sya habang wala ako. Napansin ni Daniel si Kath, at tinawag nya ito. Lumapit naman si Kath agad naman nagtaas ang kilay ng babaeng may maikling short na isang galaw nalang kita na ang uterus. "So sya pala ang date hinihintay mo?" Sabi ng babae na tiningnan pa sya mula ulo hangang paa. Kilala nya ang babaeng ito.. classmate nya since first year. Alam nyang ayaw sya nito dati pa. "No its not a date. School matters lang." Simpleng sagot nya. "Ah... so babe, nasa h****n lang ako. Kapag nabored ka magkape" sabay tingin kay Kath ng babae, "Puntahan mo lang ako, and we'll enjoy together." Sabay hawak pa sa kamay ni Daniel Napataas naman ng kilay si Kath, mukhang nag masters ito sa pagiging hammer girl, as in 'pok-pok'. Umalis narin agad ito sa coffee shop, pro may pa flying kiss pa kay Daniel.  Napaikot nalang sya nang mga mata nya. "So, that's what you kept on bragging ha... 'the charm of Mr. Daniel Miranda" sarkastikong sabi ni Kath. "Yes, I have it since birth." Pagmamayabang ni Daniel "Mukhang iba ata ang pagkakaintindi ko sa meaning ng 'charm' na nabasa ko sa dictionary ko, I don't see it in you." sagot ni Kath "Here we go again... ikaw na ang book worm,. Pero I don't care about your dictionary... I have my own. Anyway, anung gusto mo? Kain ka muna, para naman mas mapakinabangan ko utak mo... mahirap na..." sabay tingin kay Kath. "Baka pumalya eh" pinaikotan nya lang nang mata si Daniel.  Pero ang totoo gutom narin sya.   Hindi na tinangihan ni Kath ang pagkain na in-offer ni Daniel, panu ba naman drain na utak nya. Masyadong syang napagod ngayong araw.  Tapos na kumain si Kath ng tumawag ang mommy nya na sinagot naman agad nya. "Ahm Daniel, pinapauwi na ako ni mommy, kasi may biglaang dinner sa bahay with some of our family friends." nahihiyang sabi ni Kath. "Oh sure, may sasakyan ka ba?" agad na sabi ni Daniel. "wala eh, may naghatid lang kasi sa akin kanina... pero magtataxi nalang ako" paliwanag naman nito. "Ako na maghahatid sayo. Let's go." natigilan sya nang bahagya, pero pumayag narin.  Gabi na, at mahihirapan syang sumakay. Tahimik sila sa sasakyan. Di nila alam bakit bigla sila naiilang sa isat-isa. "1hour pa byahe natin,.." basag sa katahimikan ni Daniel.  Hindi naman kalayuan, kayalang rush hour, kaya mahaba ang byahe. "So 1hour din tayo magiging tahimik?" dagdag pa nito. "Any suggestion na pwede pag-usapan?" nagaalangang sabi ni Kath.  Maging sya nahiya kay Daniel, nag effort na nga ito na ihatid sya, di pa nya kakausapin. "Ahm, you Kath I know you're not treating me as one of your friends, why don't we get to know each other and be friends." Daniel Natawa naman si Kath. Hindi nya akalain na ito ang gugustuhin nang isang Daniel Miranda. "Ok then, so I guess kailangan ko magstart sa salitang "thank you"." Napatingin naman si Daniel sa kanya. "You're right, I owe you my life..." natahimik si Kath at naghihintay naman ng kasunod si Daniel "Alam mo takot na takot ako ng panahon na yun, I feel so hopeless.. pero you came, you helped me and Im saved from those evil.... galing mo nga kasi napakalma mo ako agad." iyon na ata ang pinakamahabang nasabi ni Kath sa harap ni Daniel. "Magaling talaga kasi ako.." natawa naman sila sa sinabi ni Daniel "Kung ang pangalan mo nasa dictionary, ang definition ay... MAYABANG" Kath "Dispalinghado talaga ang dictionary mo, sa akin kasi Daniel means... GWAPO." Nagtatawanan sila. Napatingin naman si Daniel kay Kath.  Ngayon nya lang ito narinig na tumawa, bagay na bagay sa mukha nito ang magagandang ngiti nito. "Alam mo mas lalo kang gumaganda pag nakangiti ka..." Hindi mapigilang i-komento ni Daniel. "So sa dictionary mo, Ang Kathryn means... MAGANDA?" natatawang sabi ni Kath para lang matago ang pamumula nya. "Oh, you got me there. Matalino ka talaga." Matapos ang ilang minuto nakarating din sila sa bahay nila Kath.  Nasa isang kilalang subdivision ito.  "So ito pala bahay nyo. Yaman ha." Daniel "Akala mo naman sila di mayaman." KATH "I guess friends na talaga tayo." Pahayag ni Daniel "I guess so." nakangiting sabi ni Kath.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD