Bella nasa Pilipinas na ulit tayo makikita mo na ang mommy at daddy mo. “Yeheyyyy! do I have a baby brother now tita Aubrey?” nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Mommy ang talino naman pala ng apo ninyo. Kaya pala lumayo sa mga magulang para magkaroon ng baby brother. Napahagikhik si Daddy na nakahiga sa kama niya. “Nagmana sa'yo yan princess,"sagot naman nito. Bakit sa akin, baka sa inyong dalawa po. “Mommy, daddy I miss both of you!” sigaw ni Bella ng makita ang kanyang mga magulang. Ako naman ay tumakbo para mayakap si Allen. “Ate Ananya ang ganda mo na," Oo Allen pareho na tayong sexy...sabay kaming nagtawanan. Pagkatapos ay nagmano pa siya sa aking mga magulang. Pagdating sa bahay nag-iiyakan na naman kami ni Lola Pasing. Para ko na itong sariling Lola dahil kahit sa pagtulo

