“Gurang and Aning-aning wedding!” Huy sinong nagsulat nyan? Gusto nyo tatakasan ko si Gurang? “Gurang ang tawag mo kay kuya Dylan tapos ayaw mo sa tema ng wedding ninyo kaloka,”si Yette. Jusko Yette para ba akong takas sa mental tapos napulot ako ng isang gurang sa daan tapos ayon pinakasalan. “Tama couz, di ba yon ang una ninyong pagkikita napulot ka ni kuya Dylan sa daan,"sabi ni yette. Hala siya! Anong napulot? Hindi naman ako tinapon ah. Tinakasan ko lang yong mga lasinggero sa kanto na nais akong gawing pulutan. Mga hayop na yun pagkamalan ba naman akong walking baboy. Take note huh sila yung hayop pero ako ang pinagkamalang letchon baboy at inasal para gawing pulutan. Mamatay-matay naman sa kakahalakhak sina ate. “Paano mo nga pala nakilala si Dylantot mo?"tanong ni ate Lesser

