Pagdating namin ni Dylantot sa bahay ay siya namang pagdating ng mga magulang ni Dylan mula Italy. Niyakap ako ng mahigpit ni mommy Tyronia at daddy Hansin. Sobrang nagpapasalamat sa panginoon dahil nakaligtas ako sa kapahamakan. "Oh my goodness Ananya sobrang natakot ako anak sa nangyari sa'yo. Paano nalang ang mga apo namin kung may masamang nangyayari sa'yo. Hindi na maganda ang pinaggagawa ng asawa mo. Kung hindi ka niya kayang protektahan isasama ko na kayo sa italya. Bibigyan ko kayo ng mga bodyguard para mabantayan kayo,”seryosong sabi ng aking beyanan na babae. Natawa nalang din sina mommy, daddy, Tito,tita at ang mga Lolo at Lola ko sa inasta ni mommy Tyronia. “Mom naman bakit nyo kinokonsente ang asawa ko. Nahihirapan na nga akong paamuhin iyan dahil napaka bangis na tigresa,”s

