Laglag balikat na umuwi si Dylan sa kanyang bahay. Nakailang ikot na siya ilang kalsada at parke sa kamaynilaan pero wala siyang Ananya na natatagpuan. Pagkapasok niya ng bahay sumalubong agad sa kanya ang pusang si Meggy. Marahil ay hinanap nito si Ananya o di kaya'y nagugutom na. Binigyan niya ng pagkain ang pusa. At tinungo niya ang kanyang mini bar. Doon na siya nagpakalunod sa alak. Hindi siya tumigil sa pagtungga hanggang sa malasing siya ng husto. Gusto niyang makalimutan sandali ang sakit na kanyang nararamdaman. My kitten bumalik kana please hik. Hindi ko kayang mabuhay hik na wala ka hik. P-pangako araw-araw kung sasabihin na m-mahal hik -kita Fatty. Mom calling... H-hello mom, hik how are you? I'm o-okay hik mom , inom lang ako ng kunti hik. W-wala hik akong problems mom h

