Nurse, nurse, doc help please! Bilisan ninyo please maawa po kayo tulungan po ninyo si kuya. Kahit magkano ang kailangan babayaran ko po basta iligtas ninyo siya. “Ma'am calm down this is Della Torres Medical Hospital kaya magtiwala ka sa serbisyo namin,”sabi ng doctor na naka assign sa ER. Ipinasok na nila si kuyang rider sa loob. Kaya ako naman ay hindi mapakali. Taimtim na nanalangin para sa kanyang kaligtasan. Paano niya nagawang protektahan ako na pati buhay niya ay walang takot niyang naibuwis. Panginoon ko kung sino man ang taong iyon sana po hayaan nyo muna siyang mabuhay dito sa mundo. Maawa po kayo panginoon ko, salamat dahil pinadala ninyo siya para iligtas kami ng anak ko. Please lord dugtungan mo pa ang kanyang buhay para hindi ko dadalhin hanggang sa aking hukay ang konsyen

