CHAPTER 34 Hanggang sa pagmulat ko ng aking mga mata, nakita ko si Dok Reyes. Seryoso pa rin ang mukha niyang nakatingin sa akin. Inaayos niya ang isnag dextrose. Inapuhap ko ang kamay ko, sa akin pala iyon nakakabit. Pero bakit ako? Bakit ako nakahiga sa hospital bed? Anong nangyari sa akin? “Kumusta ang pakiramdam mo? Nahihilo ka pa ba? Nanghihina?” tanong ni Dok sa akin. “Ayos ho ako. Okey naman ho ang pakiramdam ko.” Babangon na sana ako pero pinigilan niya ang balikat ko. “Magpahinga ka muna kahit sandali, balong. Mabuti nakatulong ang itinurok ko sa’yo para humaba ang tulog mo.” Kaya pala maliwanag na. Mukhang tanghali na nga. Tinignan ko ang orasang nakasabit. Alas onse na ng umaga. “Kailan ka ba huling kumain? Huling uminom? Huling nakatulog?” “

