SUMIBOL NA PAG-IBIG

2739 Words
CHAPTER 3 RIZZA’S POINT OF VIEW “Kapag pwede nang ano? Hindi kita maintindihan kuya. Ano yung pwede na?” Hindi ako tanga. Parang gusto siyang sabihin. Naramdaman ko rin naman na habang lumalaki ako, may pagkakataong malagkit ang tingin niya sa akin. Parang may gusto siyang sabihin na pinipigilan lang niya. Alam ko, may gusto rin sa akin si Kuya Paul ngunit dahil sa nabuong relasyon nila ng pari at mawawala ang lahat sa kanya kung ituloy niyang ligawan ako kaya nagpigil na muna siya. Hindi na rin lang ako nag-invest ng kahit anong damdamin sa kanya. Alam ko kasing malaking gulo lang ang lahat. Ako lang ang masasaktan. Ako ang maiipit sa sitwasyon. Niyakap niya muli ako nang mahigpit hanggang sa nagulat na lang ako nang bigla na lang niyang inilapat ang labi niya sa labi ko. Sandali lang din naman iyon dahil agad kong nailayo ang aking labi ko dahil sa sobrang pagkagulat. Naamoy kong parang amoy alak siya. “Ano ‘yon, Kuya? Bakit mo ako hinalikan?” tanong ko. “Wala. Sorry ha? Nadala lang talaga ako.” bigla siyang tumalikod. Napaupo ako. Inapuhap ko ang hinalikan niyang labi ko. 14 na ako. Mag-fifteen na nga rin eh kasi hindi naman talaga alam kung kailan talaga ang birthday ko. Ni hindi alam kung ilang buwan na ako nang iniwan ako sa harap ng simbahan kaya maaring 14 na ako o 15 pero sa late birth certificate ko, nakalagay doon ang birthday ko pero iyon yung araw na napulot ako ni Father Thomas. Kaya kung tungkol sa buhay pag-ibig ko, nagsimulang naging makabuluhan ang bawat umaga sa akin dahil kay Kuya Paul. Kahit pa alam ko na sila ni Father Dimas, hindi ko mapigilan ang sarili kong humanga sa kanya. Naroon sa labi ko ang ngiti pagkagising pa lamang dahil alam kong paglabas ko nang aking kuwarto ay makikita ko si Kuya Paul. Hindi man kami at alam kong sila ni Father Dimas ang magkatabing matulog ay okey na sa akin kasi alam ko, may pagtingin din si Kuya Paul sa akin. Hindi ko lang talaga alam kung paano ako aamin sa kaniya na hindi ko lang siya gustong kaibigan o gustong maging kuya, higit pa doon ang aking hinahangad at nararamdaman. Ngunit sana, ang t***k ng aking puso ay katulad ng t***k ng sa kaniya. Bago lang sa akin ang pakiramdam na ito. Hindi ko nga alam kung ano ito pero ang hirap pala talaga kapag kasama mo sa bahay ang lalaking unang nagpatibok ng iyong puso. Alam ko, ramdam kong gusto rin niya ako pero dahil kay Father Dimas, hindi ko lang alam kung paano namin unti-untiing baguhin ang tingin namin sa isa’t isa. Mula sa pagiging magkaibigan hanggang naging parang estranghero uli sa isa’t isa dahil nga sa nahihiya siya nang una sa akin dahil sa kanyang ginagawang pagpatol kay Father hanggang sa hayon na nga, nangyari na nga ang halik na iyon. Isang halik na parang nagbukas ang aking isip at puso. At dahil doon, may gusto sana akong mangyari. Yung sana magiging kami na. Alam ko namang may pagtingin siya sa akin. Ramdam ko ‘yon. Bilang isang babae, malakas ang kutob kong gusto rin niya ako, na pareho kami ng nararamdaman ngunit hindi naman pwedeng ako ang unang manligaw lalo pa’t hindi basta-basta si Father Dimas na kalaban. Ito pala talaga ang mahirap sa kagaya kong babae. Yung maghintay na manligaw ang isang lalaki para maging kayo. Iniisip ko, paano kung hindi niya ako liligawan? Paano naman kung liligawan niya ako at malaman ni Father Dimas? Ang hirap. Sala sa init at sala sa lamig. May magagawa kaya ako para kami pa rin sa huli? Alam kong bata pa ako para isipin iyon pero dahil mahal ko si Paul, hindi ko maiwasang isipin ang mag-imagine. Sa kagaya kong uhaw sa pagmamahal, sa kagaya kong hindi nakaranas na mahalin ng kahit sinong kapamilya o kadugo, ang magkaroon ng kagaya ni Kuya Paul ay isang malaking blessing na sa akin. Sa kaniya lang ako unang nakakaramdam ng ganito sana lang ganoon din talaga ang nararamdaman rin niya sa akin. Dahil late na nagpatuloy si Paul sa kanyang pag-aaral kaya kahit 19 na siya noon ay fourth year high school pa rin habang ako ay 14 years old pa lang at magse-second year high school pa lang. Kinabukasan pagpasok ko sa aming paraalan ay naabutan kong nakatayo siya sa may gate. Hindi kasi kami talaga sabay pumasok dahil ayaw niyang makahalata si Father Dimas at baka ako ang mapagbalingan ng pagiging seloso ng pari. Ilang araw na lang noon, aalis na sila pero hindi pa nila alam kung kailan ang araw na sigurado. Hindi pa man nangyayari iyon nalulungkot na ako. Nang ngumiti siya sa akin at alam kong ako naman talaga ang hinihintay niya sa gate ay naroon na naman ang diyaskeng kabog ng aking dibdib dahil lang sa saglit na halik na iyon kahapon. Bakit bumibilis ang t***k ng aking puso sa tuwing nakikita ko siya? Basa pa ang kaniyang buhok, makinis ang nangingintab niyang maputing kutis na kahit matagal na siyang nakatira sa aming bayan at kahit may kaluwangan ang puti niyang polo uniform ay bumabakat ang kaniyang magandang hubog ng katawan. Napakislot ako nang kindatan ako saka kasunod ng matamis niyang ngiti. Nahuhulog lalo ako sa matamis na ngiting iyon. Sinuklian ko ang kaniyang ngiti. Kinilig ako at nakakainis kahit alam kong hindi dapat at hindi tama. "Anong ginagawa mo rito, Kuya Paul?" tanong ko. Pilit kong pinapakalma ang bilis ng pintig ng aking puso. “Kuya? Kuya pa rin ang tawag mo sa akin hanggang ngayon? Rizza naman. Hindi ka na bata kagaya noon. Pwede bang Paul na lang? Pwede ring babe o mahal kapag tayong dalawa lang.” “Anong pinagsasabi mo?” Lalo akong namula. Hindi ko iyon napaghandaan. Hindi ko siya sinagot. Tumalikod ako. Hindi kasi kayang salubungin ang kanyang mga tingin sa akin. “Ano ‘to! Rizza! Hinintay kita tapos basta mo na lang ako iiwan at tatalikuran?” "Eh kung anu-ano kasi ang sinasabi mo eh! Nako-conscious kaya akoo.” “Para yun lang? Conscious ka na agad/” “Bakit ka nga kasi nandito? Hindi mo naman ugaling hintayin ako tuwing umaga sa gate ah" tanong ko na lang muli. "Hinihintay nga kita." Paanas niyang sagot. Kumindat pa at ngumiti. Lumabas ang kanyang dimples. Ang gwapo pa rin talaga niya. Pero patay ako kay Father Dimas kung papatulan ko siya "Bakit mo naman ako kailangang hintayin pa? Magkasama naman tayo sa kumbento. Pwede namang doon na lang tayo mag-usap o magkita.” “Alam mo naman ang dahilan, hindi ba? Ayaw kong madamay ka. Ayaw kong ikaw ang pag-initan niya at baka mas mauna ka pang mapalayas kaysa sa pag-alis namin.” “Sabagay,” malungkot kong sagot. “Sorry pala kahapon ha? Nahalikan kita. Medyo nakainom kasi ako.” “Okey lang ‘yon…” “Okey lang ‘yon? Ibig sabihin pwede lang?” “Hindi mo naman kasi ako pinapatapos eh. Ibig kong sabihin, okey lang. Nangyari na. Kalimutan na lang natin.” “Kalimutan? Paano ko makakalimutan iyon kung iyon lagi ang nasa isip ko,” pabulong niyang sinabi saka siya humugot ng malalim na hininga. “Ano ba ‘tong ginagawa mo? Kuya kita. Kapatid na ang turing ko sa’yo. Nakakatandang kapatid.” “Maglokohan pa ba naman tayo, Rizza? Alam ko, 14 o 15 ka pa lang pero ramdam kita. Nakikita kita kahit noong 10 years old ka pa lang na iba ka kung tumingin sa akin. Lalo na ngayong high school ka na. Kahit hindi mo inaamin, alam ko Rizza, gusto mo rin ako. May pagtingin ka sa akin at ako rin naman sa’yo.” Hindi ako sumagot. Parang bigla na lang akong walang masabi. Medyo diretsahan kasi ang dating. “Sige na. Tumunog na ang bell. Dadalhin ko pa ang bag ko sa room.” “Sige. Usap tayo uli mamaya ha? Tapos naman na ang test sa fourth grading eh. Wala na rin naman tayong pasok. May practice lang kami sa aming graduation. Panoorin mo ako ha? Bantayan mo ako habang nagpa-practice.” “Ewan ko sa’yo. Bahala na,” sagot kong namumula sa kilig. Tumalikod na ako. Naglakad papunta sa aming room. Nakakasalubong ko na ang mga kaklase kong sina Mimi na lilinya para sa flag ceremony. Nilingon ko si Paul. Kumindat siya sa akin saka siya ngumiti. Para akong ewan na muling kinilig. Ang hirap huminga sa lakas ng kabog ng aking dibdib. Kahit sa flag ceremony namin ay magkatapat kami sa pila na dati naman ay hindi naman namin ginagawa. Kapag lumilingon ako sa kaniya kinikindatan ako sabay ng matamis niyang ngiti na para bang nalulunod ako sa sobrang saya. Hulog na hulog na ako sa kanya at hindi ko na naisip pa na kapag malalam ni Father Dimas ito, paniguradong kawawa lang ako. Pinagbigyan ko siya. Nanood ako ng practice nila kahit pa makulit si Mimi sa akin na maglaro raw kami ng volleyball. Umupo ako sa sa loob ng gym kung saan sila nag-eensayo para sa kanilang graduation. Hindi siya maka-focus kasi lingon siya ng lingon sa akin at ako naman ang namumulang napapayuko dahil sa nahihiya. Tuloy para akong tangang nag-aabang na lilingunin niya ako at sa tuwing tumatagilid ang kaniyang ulo ay inihahanda kong ibaling naman kunyari sa iba ang aking tingin para lang hindi niya mahalata na baliw na baliw na ako sa kanya. Hanggang sa nang nabagot ako ay kumaway ako sa kanya at sumama ako sa makulit kong kaklase at kaibigan ni si Mimi para maglaro raw ng volleyball. Pinagbigyan ko na dahil nakukulitan na ako sa palagi niyang pagyayaya sa akin. Nakakatamad nga naman umupo at panoorin lang ang mga fourth year na hindi maayos-ayos ang sabsay-sabay nilang pagkanta ng Farewell nilang kanta. Pawisan na ako noon. Halos isang oras na kasi kami noong naglalaro. "Anong ginagawa niya rito? Kanina pa 'yan nakaupo riyan. Hindi ba may practice ang mga ‘yan sa graduation nila,” bulong sa akin ni Mimi. Nilingon ko kung sino ang pinatutungkulan niya, si Paul. Nagkatinginan kami, agad niya akong muling kinindatan. “Ang gwapo talaga niya ‘no. Kahit pa matanda ‘yan sa akin ng anim na taon, kung liligawan niya ako papatulan ko ‘yan,” dagdag pa niya. “Ang landi mo talaga.” “Bakit kaya siya tingin ng tingin sa akin, ano?” tanong muli ni Mimi sa akin. “Sigurado ka bang ikaw ang tinitignan?” “Eh di ba nga, kita mo oh, nakangiti na naman.” Kumaway si Mimi. Ngumiti. Lumingon si Paul. Akala niya siguro hindi siya ang kinakawayan ni Mimi. Napailing ito. Natawa. “Torpe talaga siya. Alam naman niyang siya ang kinakawayan ko eh! Kunyari pa hmmp!” “Baka naman kasi talagang hindi ikaw.” “Sus ang sabihin mo, hindi ako matiis. Practice nila sa kanilang graduation pero andito siya’t sinundan pa ako. Sana doon siya sa gym at hindi dito kung saan tayo naglalaro. Ako kaya ang talagang binabantayan?” “Ang tanong, sa’yo ba talaga nakatingin?” “Sure naman ako ‘no? Mas maganda at maputi kaya ako?” “Eh di ikaw na talaga ang pinagpalang maganda.” “Pero, hindi kaya sa’yo?” “Paano ko naman malalaman kung sa akin o sa’yo nakatingin eh naglalaro tayong volleyball. Bakit mo ba kasi napapansin? Crush mo.” muli kong tanong saka ko inayos ang aking pages-serve ng bola.” “Bakit? Hindi pwede? Ang sungit mo naman.” Tinira ko ang bola. Sinadya kong itama sa kanyang mukha ang bola nang magising sa katotohanang hindi papatol si Paul ng kagaya niyang buwan-buwan kung magpalit ng boyfriend. Isa pa, maputi lang si Mimi at seksi ngunit hindi talaga maganda. Sapol siya sa mukha! “Arayyy! Ano ba ‘yon? Bakit sa akin tumama? May galit?” “Sorry, nadulas ang kamay ko. Akala ko kasi net ka. Salo mo lahat eh!” “Gaga! Net ka riyan. Aray ko. Grabe ha. Sapol talaga sa mukha ko ang bola ha.” Nilingon ko si Paul. Nakaupo na natawa sa ginawa ko. Hawak niya ang backpack niya. Nang makita ko siyang tumayo na ay mabilis ko siyang kinawayan. Kumaway rin siyang nakangiti. "Ahh alam ko na. Malandi ka? Ikaw ba ang binabantayan? Pero hindi ba magkasama kayo sa kumbento? Oh my God! Kayo ba?” “Makapanghusga ka naman na kami.” “Naku! Dahil sa ginagawa ninyong ganyan iba na ang naamoy ko sa inyong dalawa Hindi lang kayo magkasama lang sa bahay ano? Umamin ka nga sa akin haliparot ka!" "Eto naman, andumi mo mag-isip. E, ano lang kung gusto niyang manood. Saka porke ba hinihintay na niya ako, kami na? Ako nga hinihintay rin naman kita minsan pero tayo ba?" "Sabagay. Nakakapanibago lang kasi, gaga. Pero hindi mo pa ba nasilipan ‘yan?" “Hoy, ano ka ba? Ang bastos mo!” “Mukha kasi siyang pinagpala eh! Anlaki lagi ng bukol niya. Imposible na hindi mo pa nakita ang kanya eh magkasama kayo sa bahay.” “Bakit yung tatay mo ba o kuya mo na kasama mo sa bahay nakita mo na rin sa kanila.” “Ang bastos mo naman. Nakakawalang gana ka!” “Ganoon din naman yung tanong mo ah? Porke ba magkasama kami sa bahay eh nakita ko na?” “Ano? Maglalaro pa ba tayo oh magkuwentuhan na lang tayo?” “Magpahinga na muna tayo please. Napagod na ako,” suhestiyon ko. Niyaya ako ni Mimi na magmiryenda ngunit sinabi kong busog pa ako. Kaya sila na lang ng kaklase namin ang umalis. Gutom ako ngunit makita ko lang o makausap si Paul, mabubusog na ako no'n. Mabilis ang lakad kong lumapit sa kaniya. "Paul! Anong ginagawa mo rito?" hinihingal kong tanong. “Hayan, eh di maayos na. Gusto ko yung tawagin mo lang ako sa pangalan ko. Sana bago kami aalis, magawan natin ng paraang gawing Mahal ko o Babe ko na ‘yan ha?” “Ewan ko sa’yo. Hindi ka naman dating ganyan. Anong nangyari sa’yo? Saka di ba dapat nasa loob ka ng gym at nagpa-practice? Anong ginagawa mo rito?” "Binabantayan kita. Yung pawis mo oh. Punasan mo kaya." "Hala siya? Concern ka po?” . “Bakit hindik ba dapat? Mahal kita kaya dapat lang na concern na ako mula ngayon sa’yo.” Nilabas ko ang panyo ko. “Ako na! Akin na!” nahawakan niya ang kamay ko. Unang pagkakataong pinisil niya iyon saka niya kinuha ang panyo sa aking kamay. Pinunasan niya ang pawis sa aking noo, pisngi at leeg. "Talikod ka ka para mapunasan ko yung pawis mo sa leeg mo sa likod." “Huwag na! Baka may makakita. Malaman pa ni Father na ganito ka sa akin sa school. Ayaw kong mapalayas kaya please.” “Hayaan mo sila. Sulitin ko ang pagkakasama natin kaya sana hayaan mo lang ako. Sige na. Tumalikod ka na.” Tumalikod ako. Napakagat ako sa aking labi. Ang sweet lang niya. Namumula ako sobrang hiya at kilig. Para akong himatayin. Hindi ko talaga alam kung ano na itong nangyayari sa amin. Puppy Love lang ba ito katulad ng nababasa ko sa mga hinihiram kong pocketbook? Iniwan niya ang panyo sa likod ko. Inayos niya iyon. "Hindi ba natatakot, baka may makakita sa atin e, pag-isipan tayo ng kung anu-ano at malaman nga ni Father." wika ko habang masuyo niyang pinupunasan ang pawis ko sa likod. "Pinupunasan lang ang pawis mo, anong masama naman ro'n?" "Sa’yo, sa akin, malamang wala. Paano ang iniisip ng iba? Baka kasi dahil dito di ka makatapos ng iyong pag-aaral," sagot ko. “Basta, babawi ako. masaya ako ngayon. Ngayon lang ako naging masaya ng ganito kaya hayaan mo na ako.” Huminga siya nang malalim. “Yung panyo na iniwan ko sa likod mo ha? Huwag mong tanggalin kasi basa na ng pawis ang t-shirt mo.” “Salamat.” Hinarap ko siya. Nagkatinginan kaming dalawa. Nagbaba siya ng tingin. Pinunasan ko ang aking mukha. Tumitig siya sa maputi, makinis at maganda kong mukha. Huling-huli ko ang bahagyan niyang paglunok ngunit patay malisya niyang ibinaling sa iba nang mahalata niyang tinitignan ko ang kaniyang reaksiyon. Alam ko, gusto na niyang bumigay at ako rin sa kanya ngunit anong kahihinatnan ng aming ginagawang ganito sa likod ni Father Dimas?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD