Chapter 69 Gusto kong isipin na hindi magagawa sa akin ni Rizza kung si Rizza ang sinasabi ni Tito na pakakasal. Gusto kong dayain ang sarili ko. Gusto kong huwag makinig sa ibinubulong ng isip ko. Naniniwala ako sa itinitibok ng aking puso. Hindi kailanman magagawa ni Rizza na saktan ako sa ganitong paraan. Hindi siya magpapakasal sa iba kasi alam niyang iyon na ang katapusan naming dalawa. Para lang mawala sa isip ko ang kinatatakutan ko, itinuon ko ang sarili ko sa pag-aayos sa mga gagamitin ni Tito sa kasal kaya nawala na rin sa isip kong tignan ang pangalan kung sino ang ikakasal. Hindi ko na din pa kinulit si Tito dahil abala din siya sa mga kinakausap niya. Sa tagal ko sa Baggao, marami na rin naman akong nakilala. Iyon na lang ang pilit kong inisip. Kung kakilala, maaring nakilala

