Chapter 14 "Hindi sa silid niya,Pyrus. Sa hardin ng palasyo naghihintay sa iyo ang kamahalan," saad ni Malena. Nauna siya sa akin habang ako nama'y tahimik na nakasunod sa kanya. Sa aking likuran ay may dalawang kawal ng palasyo ang nakabantay sa akin. Bibit nila ang mabigat na bolang bakal na may mataas na kadenang nakakabit sa aking isang paa. Inutos ng prinsipe na ikabit sa akin ang mabigat na bolang ito upang hindi ako magtangkang tumakas. Gago lang! Eh, paano ako makawala sa palasyong ito? Napakatayog ng mga paril na bakod at bantay sarado ang bawat sulok sa labas man o loob ng palasyo. Tuso nga siyang tunay! Nahihirapan ako sa paglakad dahil sa tuwing ihahakbang ko ang aking paa ay humihigpit ng kusa ang malamig na kadenang nakapulupot sa akin. Kasalukuyan kaming naglalakad paib

