Chapter 12 Tila lantang gulay na nagpaubaya na lamang si Pyrus mula sa mapusok, at maalab na mga halik ng kamahalan. Hindi niya maitatangging unti-unti na din siyang nadadala sa mainit na mga labing humahalik sa kanya. Hindi niya gusto ang mga nangyayaring ito at pakiwari niya ay napapaso siya sa init ng kanyang sariling balat. Ang mga hibla ng kuryenteng patuloy sa paglakbay sa kanyang maliliit na mga ugat ay tila nagdadala sa kanya upang makaramdam ng kakaibang kaluwalhatian. Animo'y wala sa sariling hinayaan na lamang niya ang prinsipe na galugarin ang lahat ng sulok ng kanyang bibig. Pikit mata siyang nakipaglaro sa malikot na dila ng kamahalan. Kumawala sa kanya ang mahinang halinghing nang maramdaman ang pagkagat ng prinsipe sa dulo ng kanyang dila, ngunit hindi siya nasaktan sa

