Misty Zehra Avilla PALUBOG NA ANG ARAW at hindi pa natatapos mag-golfing ang mga kaibigan ni Conrad. Kung kaya ay naiwan kami sa parke may kalayuan sa kanila. Nakaupo sa bench sa ilalim ng malaking puno, ang siyang nagbibigay lilim at preskong hangin kahit hindi na ganun kainit. Kumakain ako ng ice cream at siya ay nakuntento na sa panunuod sa kanila. Nang sulyapan ko si Conrad at mga kaibigan nito ay hindi ko mapigilang mapaisip. Sa mga sandaling nakasama ko sila ay sobra akong natuwa. Ano kaya ang pakiramdam na mabuhay sa mundo nila? “Saan ka natuto maglaro ng chess?” kaswal niyang tanong at bumaling sa akin. “Sa panunuod. Kalaunan sa mga kaklase ko noon.” Marahan na tumango ito at nilagay ang isang braso sa likod ng inuupuan ko. “How about you?” “Kay Dad.” Yung nasa larawan na

