Misty Zehra Avilla SA PAGBABA KO NG hagdan suot ang long sleeve na puti ni Conrad na hindi umaabot sa tuhod ko at boxer nito. Nakalugay ang buhok kong medyo kulot pa ang dulo. Mula sa hagdan ay naririnig ko ang halakhak ng mga bisita ni Conrad. Hindi ko alam kung nasaan ang kusina kung kaya sinubukan kong sumilip sa isang pintuan. Agad akong napaatras nung makita na may mga tao sa kusina. Tama nga ang napuntahan kong daan, ngunit paano ako kakain kung naroon ang mga bisita niya? “May kasama ka Kuya Conrad?” narinig ko ang banayad na boses babae. Napanguso ako at kinagat ang daliri ko. “Probably just his men, Rima.” Isa pang boses ng binatilyo. Napakagat ako ng pang-ibabang labi. Bawal ba akong magpakita o lumabas? Mukhang hindi naman inaasahan ni Conrad na may bumisita sa kanya ri

