03 - FAKE IDENTITY

2185 Words
Misty Zehra Avilla HALOS HINDI KO makilala ang sarili matapos humarap sa salamin. For the first time in my life, I suddenly admire my beauty and face. Ngayon lang ako naayusan ng ganito. Living in the province, simplicity was enough for us to admire natural beauty. Tsaka wala rin akong oras mag-ayos, para saan pa kung kulang din naman ang pera ko? Hindi ako gagasta para sa sariling luho, but looking myself in front of the mirror right now… parang ang sarap din na pagtuuonan ang sariling kagustuhan. “You’re pretty… hindi ka lang nag-aayos o baka naman nakuntento kana sa ganda mo.” Umikot sa lamesa si Doctor Tiffany tsaka bayanad akong nginitian na nakaupo na rin sa harapan nito. “A little make over won’t kill you, Misty.” Ngumiti ako bago nito inusog ang kanina pang nakalapag sa lamesa niya. Isang documento na may itim at matigas na cover. Binuksan niya ito sa harapan ko at agad kong nabasa roon ang ‘Contract Agreement’ na nakasulat sa itaas ng papel. Sa pinakadulo ay pangalan ko na humihingi ng pirma. “Makukuha mo na ngayon ang kalahati ng bayad. We will transfer it in your account. Once you did your job tonight, ibibigay namin ang another half-amount of our payment.” “Once I did my job tonight?” taka kong tanong sa kanya. “To make Conrad Ramirez fell asleep. Kung mas maaga mo siyang mapatulog ay may tip kaming ibibigay. Anything you want, luxury, jewelries, branded bags, car—” “May dagdag tip?!” Namilog ang mga mata ko. Grabe na ‘to. Totoo ba? “Para lang akong magpapatulog ng bata,” I excitedly added. Natawa roon si Doctor Tiffany at panandaliang napayuko. “I hope it will be easy. Kailangan mo rin sundin ang ipapagawa sayo ni Mr. Ramirez. And you know what I mean, right?” Dahil doon ay naglaho ang ngiti sa labi ko. Oo nga pala, may mangyayari sa aming dalawa. Anong klasing halimaw ba yun? Hindi makatulog kung walang nakakatalik? O baka naman ginagawa niya lang dahilan ang insomnia niya, diba? Pero baka hindi rin, why need to pay if he can get them by a snapped of fingers? “You’re not allowed to tell anyone about this contract. About what happened during the night you will spend with Mr. Ramirez. What’s inside the room, will remain and should not be exposed in public.” Nagpatuloy siya sa pagpapaliwanag sa akin ng mga dapat gawin. “If your performance is good, then you’re lucky to have another night with him. Another five hundred thousand and another tip for you, Miss Avilla.” Grabe pala ‘to, may score din pala ang performance. Tapos panibagong pera naman? Umiinit ang pisngi ko sa naririnig. “Wala sa contract na hindi ko pweding sabihin kay Mr. Ramirez na… dishwasher ako at mahirap lang,” I added when she handed me the pen. Kahit papaano ay may nasaba na sa kontrata. “Because that is the rule that we break today.” Humilig siya sa upuan nito at tipid akong nginitian. “Ngayon lang namin ito gagawin at hindi na pweding maulit pa. Conrad will be furious for sure.” “Natanong ko lang Dok kasi hindi ko maintindihan na mahalaga pala yung status ng isang tao para rito?” I questioned as I try seeking for more explanations. “Sa trabahong ito…” “Kakaiba ang sakit ni Conrad Ramirez,” gumuhit ang lungkot sa kanyang mukha. “He is very OC, kaya detalyado ang babaeng hinahanap niya. Gayundin pagdating sa trabaho.” She pointed at the paper. “He even noticed even the smallest details. Even in paper, the font, the size. His table. The things around him. He is the definition of devil in the building you were working.” Nahihirapan akong napalunok at biglang bumukas ang pintuan. It was the young woman assistant of the Doctor. Kung hindi ako nagkakamali ay Primrose ang ngayan niya. “This is the next woman we found, ang papalit kay Mity Avilla.” The woman glanced at me quickly. May pagtataka akong dumungaw sa profile ng dalaga. Halos walang pinagkaiba sa akin. Pero itong babae ay maganda kahit hindi ayusan. Ang pinagkaiba lang ay naayusan ako, nawala ang salamin ko, kumulot ang bagsak kong buhok at kinulayan. My dark black hair turned into an ashbrown color. If we will compare my picture of me wearing glasses, mas maganda ‘tong babae. “Good job, Primrose!” masayang usal ni Dok Tiffany. Mukha siyang nabunutan ng tinik dahil doon at makakapagpahinga na sa wakas. “Reserved her and I will talk to her tomorrow.” Hindi na mawala ang ngiti sa labi nito matapos bumaling sa akin. “Mahihirapan tayong kumbinsihin ito, Doc Tiff.” Kunot nuong bumaling doon ang Doktora. “She is the daughter of a Congressman and Lawyer. Hinahanapan pa namin ng team ng bagay na kailangan niya. I don’t think what she need is money. She is entering showbiz, pinagtutuonan namin ng pansin ang aspetong iyon.” “Well, that’s easy. If she wants to enter in showbiz industry then we will use our connections to grant her request in return. Pag-usapan natin yan bukas.” Nang lumabas na ang dalaga ay bumaling na sa akin si Doc Tiffany at tinuro kung saan ako pipirma. “Hindi pala lahat ng tumatanggap ng alok niyo ay pera ang kabayaran?” I aksed curiously. “Because they already have plenty of money, Misty. Ang iba ay luxurious things, mamahalang sasakyan, yate, sowbiz, modeling agency… iba-iba. Hindi lang pera dahil karamihan sa kanila ay galing na sa prominenting pamilya. May mga sariling negosyo na at malaking halagang pera. Something that they won’t need anymore. Unlike in your case.” I took a heavy sigh and read the contract. Masusi kong sinuri at binasa iyun, yung tipong wala akong lalampasan o kaliligtaang salita. I have read this, pero dahil wala pa rin akong tiwala sa pinapasok kong ito ay kailangan kong ulitin. “It says here in the contract that I will obligately submit myself to Mr. Conrad Santillano Ramirez.” Kabado akong tumingin sa kanya. “Ano pong ibig sabihin nun?” “Just do what he says.” “Paano kung saktan niya ako?” I’ve also done my research. Nagtanong din ako sa kaibigan kong si Gigi. Ang sabi niya, s****l intercourse will be painful especially for first timer. Virgin. “He won’t kill you, Misty.” She looks tired as she tries to explain my doubts about her offer. “Why would he hurt you?” natatawa niyang dagdag. Tumikhim ako at matapang tinignan sa mga mata si Doc Tiffany. Humuhugot ng lakas sa gustong sabihin sa kanya. “I-I’m a virgin…” pabulong kong saad. She bit her lower lip, paused, and she let out a laugh. “You can’t ask him to be soft to you. Doon kami nagkakaproblema, kaya minsan hindi kami tumatanggap sa katulad ng case mo. Pero nangyari na rin naman ito noon, wala namang nasaktan at maayos naman sila pagkatapos ng gabi kasama si Conrad.” Napakamot ako sa nuo ko at tumango tsaka pinagpatuloy ang pagbabasa. “It stated here that once he fell asleep, I have to leave quietly. Ba-bakit ho? Hindi ako pweding magpahinga?” What?! Virgin ako, paano na lang kung… mahirapan akong makatayo? O maglakad? “There is a reserved room beside Conrad’s penthouse. It’s for you.” She leaned on the table as she stared at me closely. “Your only main goal here is to let him rest and sleep. Don’t wake him up, mahihirapan na siyang makatulog muli. Hindi siya nananakit, pero hindi mo gugustuhing makita siyang magalit.” Nahihirapan akong napalunok at bumagsak ang tingin sa papel. Mabilis nagtungo ang ballpen na hawak ko sa dulo at pumirma sa taas ng pangalan ko. “Excellent! We are settled then,” masaya niyang usal at tumayo tsaka nilahad ang palad niya sa akin. “Thank you for accepting my offer, Miss Zehra Avilla.” “Just, Misty.” “Alam ko na hindi interesado si Conrad sa totoo mong pagkatao. But in case he asks your name, which is I doubt he will. Use your second name, it’s expensive and fabulous to hear. You came from Spain and that is where you get your beauty, you have Spanish blood. Your family is in Italy, your father owns a successful business while your mother is a surgeon.” Tumango ako at tinanggap ang kamay nito. Muli siyang ngumiti sa akin, ang akala kong tapos na siya sa pagpapaliwanag ay muli itong nagsalita. “You are here and accepted our offer because of money. You run away from your family to pursue your dream here in the Philippines. That’s why you need money. Alright?” “Ahm… at ano naman yun? My dream here…” “I don’t think that he will ask that question. But in case he asks more about you, just answer him whatever you want. Just make sure that you’ll appear decent, rich, and with grace.” Binitawana na niya ang palad ko. “He just wants to f**k you. Not to interrogate you, Misty.” Napaawang ang labi ko roon at wala sa sariling tumango. “Let’s get your medical examination and be ready for depo shot.” Lumabas na siya kaya sumunod naman ako. ABALA AKO SA paglilibot ng tingin sa kabuuan ng magara at napakalaking hotel. Unang beses kong makapasok sa hotel lalo pa at ganito kaganda. Kung simple lamang ang ayos ko ay hindi ako mababagay dito. Ngunit dahil sa gabing ito ay maganda ako at mukhang yayamanin ay tila ba kabilang ako sa mga tao na narito. “Penthouse, Mr. Conrad Ramirez.” Napalingon ako sa kasamang si Primrose na kausap ang front desk clerk. Ngumiti sa kanila ang babae bago may kinausap sa telepono. Ilang minuto ay nagtungo na sila sa elevator paakyat sa pinakatuktok ng building. “Do you at least know how to kiss?” diretsang tanong niya habang nasa loob kaming dalawa ng elevator. Bigla akong na may kaonting pagkairita dahil mukhang minamaliit nito ang kagaya ko. “O-Oo naman!” kabado kong sagot. “Smack? Anong klasing halik?” she probed and turned to me, casual and straight like it was some basic question. “Ayusin mo ang performance mo, Miss Avilla.” Smack? Pero halik pa rin naman yun diba? Ang paglapat ng labi ko sa labi ng lalaki ay halik pa rin. Pero ang sabi naman ni Doc Tiffany ay wala akong gagawin kundi sundin si Mr. Ramirez. Kaya anong masama kung hindi ako marunong humalik? “Good luck, ayusin mo ang performance mo dahil katumabas iyun ng bayad sayo ni Mr. Ramirez.” The stillness and emotion face remained on Primrose’s face. “Enjoy the night, Miss Zehra Avilla.” Walang emosyon nitong dagdag bago sinara ang pintuan. Sumalubong sa akin ang malaking espasyo ng silid. Naroon na lahat, sa kabilang banda ay ang sala at sa kabila naman ay kusina. Halos lahat ay mamahalin, ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang silid. Sa gitna ay ang daan papunta sa kuwarto. Wala masyadong pintuan, tanging glass wall. Kung kaya agad tatambad ang kuwarto pagpasok pa lamang. The penthouse was like emphasizing the bedroom, tila ba ito ang highlight sa loob. Nagsimula na akong maglakad habang pinagmamasdan ang kabuuan ng kuwarto. The bed was dark, ang tanging ilaw lang ay galing sa sala at kusina, ngunit mga lampara lamang kaya hindi ganun kaliwanag. Tumikhim ako para iparating ang presensya ko. “You’re here.” It was a dark cold voice. Kunot nuo akong dumungaw sa kama. Pero ng marinig ko ang yapak sa gilid ay namataan ko roon ang isang lalaki na may magandang tindig at tikas na katawan. Nakatalikod sa akin at sumisimsim ng alak sa mamahaling baso. Napakagat ako ng pang-ibabang labi, ang lalaki ay mukhang may katandaan lang sa akin ng ilang taon. Malayo sa inaasahan kong edad nito. Matigas ang katawan at perpekto ang pagkakahulma. Tanging suot niya ay pantalon at matigas na belt. Nilapag niya sa lamesa ang iniinom na alak. Kulamabog ang dibdib ko sa pagharap niya sa akin. Napaawang ang labi ko at hindi inaasahan na ito ang CEO ng pinaghuhugasan ko na kompanya. He has this dark and intensifying stares, cold and ruthless expression on his face, igting ang panga at tila marahas. His lips were red, pointed nose, ang makapal niyang kilay ay nakaarko na tila iritabli. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya, pero sapat na para masabi kong pinagpala ang lalaking ito. He is not just a powerful wealthy tycoon, ngunit may angking itsura rin na hindi tipikal. Mas lalo pa akong kinahaban sa dahan-dahan niyang paglapit sa akin. Para siyang mananakit kung tignan. Wala akong makitang iba kundi rahas at pagkabayolenti. Bumaba ang tingin ko sa kanyang matigas na dibdib pababa sa pantalon nito. I can see the veins on his palm, tila sa bawat galaw ay may malakas siyang puwersang pinapakawalan. “Strip.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD