05 - INSOMNIA

2721 Words
Misty Zehra Avilla NAGMAMADALI AKONG lumabas ng kuwarto at pumasok sa loob ng elevator. Wala pa akong ayos matapos kong magising dahil agad na akong nagtungo sa banyo para magbihis. Naiwan ako mag-isa sa penthouse, walang tao at wala na roon si Mr. Ramirez. “Saan ka galing? Hindi na kita nakita kahapon,” usal ni Gigi nang maabutan ko sa maliit na apartment namin na nagkakape. “Ta-trabaho lang… pasensya na hindi na kita natawagan.” Mapanuri niya akong tinitigan na tila may pagsususpetsya sa pagkawala ko. “Unang beses itong nangyari. Naku, Misty, mag-iingat ka. Baka kung ano-anong trabaho na ang pinapasok mo, ah! Alam kong gipit ka.” Humigop siya ng kape na hindi nilulubayan ako ng tingin. “Huwag kang magpapauto sa mga tao rito sa syudad.” Nahihirapan akong napalunok at dumiretso na sa kuwarto ko. Sinubukan ko pang humabol at pumasok sa trabaho ko. Sa kompanya ni Mr. Ramirez kung saan ako naghuhugas ng mga pinggan. Ngunit bago magtakip-silim ay nagmamadali akong umalis ng building para puntahan si Doctor Buenavista at kausapin. NAPATAAS ITO ng isang kilay matapos marinig ang sinabi ko. Hanggang sa kalaunan ay napakunot na siya ng nuo at umahon ng kaunti sa kinauupuan niya. Pinagsiklop ang dalawang palad habang ang siko ay nasa ibabaw ng lamesa. “Did I hear you right? Gusto mong ibalik ang pera na binayad sayo?” She looks surprised. “Bakit, Misty?” Napanguso ako at kinagat ang labi. Paanong hindi nakaabot sa kanya ang nangyari? Hindi ba siya sinabihan ni Mr. Ramirez? Hindi pa ba sila nagkakausap? “Wa-wala pong nangyari sa amin…” Napayuko ako at nangangapa ng sasabihin sa kahihiyan. “What?!” tumaas ang boses nito at mas lalo pa akong kinunutan ng nuo. “Sandali nga, Misty. Ano ang ibig mong sabihin? What happened?” she started to call in the intercom, looking for her assistant. Nagpatuloy ako sa pagpapaliwanag. “Na-nakatulog po ako.” Mariin akong pumikit matapos ipahayag iyun sa kanya. Nakita ko ang pagnganga nito at hindi ko alam kung matatawa o maiirita sa nalaman. “Pa-paggising ko, wala ng tao sa penthouse. Wala na rin ho si Mr. Ramirez.” Napayuko ako at gustong pukpokin ang ulo sa kapalpakan. Dahan-dahan siyang napahilig sa swivel chair at tinitiganan ako ng matagal. Tila may malalim na iniisip o baka naman hindi pa siya nakaka-recover sa pagkagulat. “Then Conrad should have contacted me that night right away…” she whispered to herself. Bumagsak ang tingin niya sa ibabaw ng lamesa. “Dapat sa mga oras na yun ay pumutok na siya sa galit. This is odd, bakit wala akong naririnig sa kanya ngayon? Baka pumunta siya rito? Baka dito magwala…” Napatayo siya kaya nagulat ako bigla. She crouched and pressed the intercom again. Ang dalawang palad ko ay nasa hita, habang hindi mapakali ang paa ko sa nerbiyos. Malaking problema ba ang ginawa ko? “Primrose! May tawag ba kayong natanggap galing kay Mr. Conrad Ramirez?” seryoso ang malamig niyang boses. “Since last night? Wala ho Doctor Buenavista. Bakit ho?” Tinapos niya ang tawag ng hindi sinasagot ang dalaga. Tila ba gulat na gulat siya sa nangyayari, gulat na may halong kaba. She slowly went back to her seat and stared at me, na tila ba siya ang pagbubuntungan ng galit sa kasalanang ginawa ko. “You didn’t follow the damn contract, Misty!” she exclaimed which made my throat dry. Nawala ang pagiging kalmado at banayad nito. “I told you, nakapasimpli. Papatulugin mo lang siya. Why the heck did you fall asleep without making sure you did your job done!” she frustratedly complained. “Ka-kaya nga ho ibabalik ko yung pera. Pasensya na talaga…” Umayos siya ng upo at huminga ng malalim. “Walang nangyari sa inyo,” paglilinaw niya. “Are you sure?” Nahihirapan akong napalunok at tumango. “Pe-pero naghalikan kami,” pagbibigay ko sa kanya ng karagdagang impormasyon na tila ba kahit papaano ay may ginawa rin ako. Ngunit mas lalo lang yata siyang namroblema at hinilot ang ulo. “Bago ka ay may babae ng nagpainit ng ulo ni Conrad dahil sa simpling pagkakamali,” pagsisimula nito sa seryosong boses. “Napatulog niya nga, but she accidentally dropped something that made him awake. Alam mo ba ang ginawa niya?” Umiling ako kaya bigo itong umiwas ng tingin. “Ang pinakaayaw niya sa lahat ay yung nagkakamali, Misty. Veronica was so scared after that night, dahilan para bigyan pa namin siya ng mamahaling jewelry pampalubag loob. Kahit sa totoo lang ay hindi niya naman nagawa ng maayos ang trabaho niya.” I bit my lower lip and nodded my head. “But what you did… is damn unacceptable. Nakapa-unprofessional.” “Kaya nga ho humihingi ako ng tawad at ibabalik ko yung pera. Pasensya na ho talaga…” may panghihinayang kong sambit. Kahit papaano ay may plano na sana ako sa panggamitin ng pera. Halos napaghati-hati ko na nga sa isip ko kung ilan ang ipapadala sa pamilya ko at maiiwan sa akin. Inayos ko ang malaking salamin tsaka sinulyapan muli si Doctor Buenavista na naabutan kong nakatingin sa akin. “Alright. Thank you for your time, Misty. Kalahati ng pera lang ang ibalik mo. Thank you for showing up pero hindi ako papayag na wala kang makuha. You did your part, at least.” Nagliwanag ang mukha ko. “Sa-salamat ho!” hindi ko mapigilan ang pagngiti ng matamis. Sabay kaming napalingon sa pagbukas ng pintuan. Umangat ang ulo ko sa pagpasok ng isang matangkad na lalaking mestizo, suot ay kaparehong uniporme ni Doctor Buenavista. Napatitig ako sa nameplate na nakasabit sa damit nito. ‘Dr. Liam Guallermo, Psychiatrist’ “You have a visitor,” the man uttered with a strong accent. Lumapit kay Doctor Buenavista at banayad itong hinalikan sa pisngi. “Don’t forget our dinner later,” rinig kong bulong niya sa dalaga. “We should see Conrad.” Pasimpli akong sinulyapan ni Doctor Buenavista. “By the way, Misty Avilla. Conrad’s bedwarmer last night.” Minuwestra niya ang palad sa akin. “The girl you were talking about…” he trailed while staring at my huge eyeglasses. Gumuhit ang tipid na ngiti nito at bumaling muli kay Doctor Buenavista. They seem pretty close, mukhang may relasyon silang dalawa higit pa bilang magkatrabaho. “What about Conrad?” he whispered. “I guess you should go, Misty. Gusto mo ipahatid na kita? Medyo gabi na rin…” Doctor Tiffany Buenavista offered and stood up. Wanting me to leave the office, mukhang abala siya at may gagawin pa. NAKAUWI AKO at hindi pa naman ganun kalalim ang gabi. Maaga akong nakatulog. Hindi ako katulad ng ibang tao rito sa syudad lalo na at ni Mr. Ramirez na kayang magpuyat. Nasanay na ang katawan ko na matutulog ng maaga, ngunit magigising din naman ng maaga. “Yung cellphone mo kagabi, ang ingay.” Yan ang bungad ni Gigi sa akin matapos maligo habang nakapulupot ang tuwalya sa kanyang katawan. Pareho kaming papasok ngayon sa trabaho kung kaya maaga kaming nagising. Dahil doon ay nagmamadali ko itong tinignan. Maraming missed calls sa iisang numero. Nung una ay hindi ko pa maalala ang numero kung kanino ito. Ngunit matapos kong mabasa ang mensahe galing sa numerong iyun ay napagtanto ko na ito ay assistant ni Doctor Buenavista. ‘Hi, Misty Avilla. This is Primrose from Etereo Neuropsychiatrist Hospital. We would like to inform you if you’re available today for a meeting with Doctor Tiffany Fate Buenavista. We need your response as soon as possible. Thank you!’ Hanggang makapasok ng cafeteria ay hindi maalis sa isip ko ang mensaheng iyun. May nagawa na naman ba akong mali? Sinugod na ba sila ni Mr. Ramirez? O baka naman nagsumbong na siya kagabi at galit na galit? “Anong nangyayari?” tanong ko sa nagkukumpulang mga staff sa kusina malapit sa opsina ni Madam Leni. Tumingkayad ako para makita ang kaguluhan sa harapan ko. Nakita ko roon ang isang nutritionist na siyang laging naghahatid ng pagkain sa pinakataas ng building kung saan pinagbabawal kaming pumunta roon. “Ano pa bang bago? May napagalitan na naman si Mr. Ramirez, siguradong masisisante na yan si Florence ngayon mismo,” sagot ng katabi ko. Nakita ko si Florence na sinisermonan ni Madam Leni. Umiiyak siya at nakayuko, may pagkain ang kanyang apron na tingin ko ay sinadyang ibato sa kanya. “Tinapunan ng tray ni Mr. Ramirez. Mali kasi yung pagkain na dinala sa opisina niya kaya pinatawag at doon pinagalitan.” Nahihirapan akong napalunok at biglang kumalabog ang dibdib ko. Para sa sampling pagkakamali ay yun na ang naging reaksyon niya? Paano pa kaya yung ginawa ko sa kanya nung gabing yun? “Naku! Mabuti na lang at si Misty ay nasa lababo lang. Tamang paghuhugas lang ng pinggan.” Humalakhak si Kristof at inakbayan ako. “Kung nasa taas tayo na-assign siguradong tanggal kana agad.” Pagbibiro nito pero hindi ko magawang matuwa. “Sa lupet ba naman ni Mr. Ramirez…” rinig ko pang pag-uusap nila. “May sakit daw kaya laging mainitin ang ulo. Ano nga ulit yun? Depression ba yun?” “Tanga! Insomnia yata. Mas Malala pa sa insomnia, hindi raw nakakatulog yun kaya laging nakikita sa mamahaling club at casino gabi-gabi kasama yung magpinsang Buenavista at Santiago. Kung hindi uniinom ay nagbababad sa trabaho,” pahayag ni Kristof at nagpakawala ng tawa. Tamad kong tinanggal ang braso niya sa balikat ko kaya napasulyap sa akin. “Saan ka pupunta?” Hindi ko na lamang ito pinansin at umalis na roon. Sinubukan kong tawagan si Tatang, ngunit hindi sumasagot. Akmang ibubulsa ko na ang tawag ngunit nag-ring ito. Sa pag-aakalang si Tatang iyun ay mabilis kong sinagot. “Misty… This is Tiffany Buenavista.” Kumalabog ang dibdib ko sa muli niyang pagkausap sa akin. “Are you available this afternoon? Ipapasundo kita, ako na ang bahala sa boss mo. I need to talk to you right now in my office.” Pigil ang paghinga ko at nabuhay ang kaba sa dibdib. “Ba-bakit ho?” She paused before answering my question. “It’s about Conrad Ramirez.” * * * * * CONRAD WALKED inside the private VIP room of the club owned by his friend. Pagpasok niya pa lang doon ay naabutan na niya ang dalawang kaibigan na sumisimsim ng alak habang may babaeng katabi sa kanya-kanya nilang kinauupuan. “Can’t sleep?” Dancel uttered and lifted his glass, wearing a grin on his lips. “Might as join us.” Humaplos ang palad nito sa hita ng modelong katabi. The woman leaned her face on Dancel’s neck. Hindi siya sinagot ni Conrad bagkus ay dumiretso sa isang kaibigan na tumayo at iniwan ang babaeng katabi para salubingin siya. Ang kaibigan ay tinapik siya sa balikat at inoperan ng alak ngunit tumanggi si Conrad dahil may ibang pakay siya kaya naririto. “Tiffany is not answering my calls. Where is she?” Conrad asked coldly to Rive. “Must be on a date. Bakit hinahanap mo si Ate?” takang tanong nito kinunutan siya ng nuo. “May problema ulit sa mga babae niya?” Ngumisi ito at sinulyapan ang kasamang babae na naghihintay sa couch. “I thought she was here…” Conrad trailed and roamed around the room. “Aalis kana? Papunta pa lang yung iba,” Rive queries when he notices that Conrad is leaving the room. “Don’t be too harsh to my sister, she is doing all she can to cure your condition,” pasaring na habol pa ni Rivenom bago ngumisi. Dahil malapit sa pamilya at kaibigan si Conrad na alam ang buhay nito at kondisyon ay hindi nila kayang magalit sa binata. Sa kabila man ng kalupetan nito, alam nilang lahat na mahirap ang kanyang pinagdadanan. Bagay na kahinaan niya, ang kondisyon nitong hindi magamot gamot. Narinig iyun ni Conrad bago lumabas ng kuwarto. Ang mga tauhan niyang nakasunod sa kanya ay pinalibutan siya hanggang sa makalabas ng bar. Hindi sa lahat ng oras ay kasama niya ang mga ito, nagkataon lang ngayon dahil hindi naman siya pumarito para magpalipas ng gabi. PAGPASOK PA lang ni Conrad sa malaking ospital ay agad na siyang sinalubong ng iilang staff. Mag-isa siyang dumireto sa laboratory kung saan niya naabutan si Tiffany kasama si Liam. Tiffany is his good friend, a psychologist. At ang fiancé nito na si Liam, isang psychiatrist. Ang kasalukuyang tumututok sa kanyang kondisyon. “You… you’re here!” Tiffany exclaimed and looked at her fiancé before approaching Conrad with confusion. “What brings you here?” may kalituhan nitong tanong. Books and other research materials were all over under the long white desk, tila nasa kalagitnaan sila ng pag-aaral. May iilang assistant doon ngunit sila lamang na dalawa ang propesyunal na doctor ang nasa silid. Conrad pulled the chair and took a seat. He crossed his arms and glanced at the books and computers. Inangat nito ang tingin kay Tiffany at Liam na parehong nasa harapan niya. “Bring her to me. Tomorrow night.” Nagkatinginan ang dalawa sa sinabi ni Conrad. Tiffany already has an idea what the man talking about, while Liam just tilted his head and his eyebrows met when he glanced at his fiancée. Pagdating sa mga babae ni Conrad, hindi nakikialam si Liam. Mas tutok si Liam sa gamot at mas komplikadong bagay sa pag-aaral sa sakit ni Conrad. While Tiffany is more on therapy, and temporary solutions. “Oh! The new girl. No problem, Conrad. I sent you her background, did you check?” pilit na ngumiti si Tiffany sa kaibigan. “I’m talking about Zehra Avilla,” aniya ni Conrad na nagpatigil sa dalaga. “The woman I saw in your office,” Liam mumbled in amusement. May alam siya sa nangyayari at ginawa ng kanyang Fiancee. “Binalik niya raw yung pera, walang nangyari sainyo, Conrad?” gumuhit ang ngiti sa labi ni Liam dahilan para lumabas ang malalim nitong dimple sa pisngi. “Binalik niya? Bakit niya binalik?” Conrad can’t help but enthusiastically get curious. “Sinabi niya sa akin ang nangyari, don’t worry, I paid her half. I was in a good mood kasi hindi mo ako inabala buong araw. I was expecting that you’d get mad and face me with rage.” Napairap si Tiffany at inayos ang iilang libro. Conrad pursed his lips and chuckled in sarcasm. Kaya namang lito siyang binalingan ni Liam na naroon pa rin ang ngiti sa labi. “Why would she return the money? She did her job…” Because of what Conrad just stated, Tiffany slowly turned to him. Stunned with parted lips. “She did her job?” ulit ni Tiffany na humihingi ng karagdagang impormasyon. “I thought she fell asleep first?” pagtawa ni Liam kaya sinaway siya ni Tiffany. Gustong marinig ang sasabihin ni Conrad. “Nauna nga…” hindi madugtungan na usal ni Conrad at bumigat ang paghinga. Gumuhit ang iritasyon sa mukha matapos tignan ang nagtatakang mukha ng dalawang Doktor sa harapan niya. He glanced at his wristwatch before he stood up. “I have to go. Bring her to me tomorrow night.” “But you haven’t answered the damn question, Conrad!” habol ni Tiffany na sigaw ngunit lumabas na ito at nilampasan pa ang kakapasok lang na si Primrose na napatitig sa binata. “Ang bastos ng lalaking yun.” She added stressed. “Relax, babe.” Liam chuckled and pulled her arms beside him. “Malaking problema yan. You’re faking her identity.” “He will eventually get tired of her…” Tiffany murmured in response. But something is bothering her. Did Conrad fall asleep after that? Pero impossibli. Ayon sa pag-aaral nila ni Liam, Conrad needs to extract energy and strength that can make his body exhausted so he can finally sleep. Once he feels tired. Once the strength and energy have been taken away from his body, then it will be easy for him to fall asleep. Back then, they advised Conrad to do heavy exercises before going to bed. Ngunit hindi rin nagtagal iyun ng ilang gabi dahil walang epekto. Hanggang sa napunta sa babae, na ngayon ay ang ginagamit nilang pansamantalang lunas sa kanyang kondisyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD