Chapter 2

1003 Words
Alexiz's POV MONDAY.FIRST DAY OF THE WEEK. Pagkatapos ng last subject namin ay niligpit ko na ang mga gamit ko. Isinukbit ko ang backpack ko sa aking balikat. "Lex!" "Oh,bakit?" Nilingon ko si Marion. "Hatid ka na namin. Dadaanan namin ang café. Pupunta kami ni Bruha sa bookstore." Tukoy nito kay Lia. "Sige. Tara na. Male-late na kasi ako." I said. Tumingin ako sa suot kong wristwatch. "No worries,Lex. Ako ang driver, hindi ka malelate." Magkasabay kaming lumabas ng room at sabay na nagkatinginan. "Si Lia?" Tanong ko. He shrugged. Sabay kaming tumingin sa loob ng room. Nagpapaganda ang loka. If I know, nagpapaganda yan para sa crush niya na soccer player ng school pero sa kasamaang palad, hindi naman pinapansin ang kagandahan niya. "Kaimbyerna. Nagpapa-beauty mukhang bruha rin lang." Sabi ni Marion. Pabiro ko syang sinuntok sa braso at ngumisi. "Ayaw mong matalbugan 'no?" I asked, jokingly. Umismid ito. "Dapat ako lang ang pinakamaganda sa ating tatlo. "Inayos nito ang sariling buhok at namewang. "Pero nakaka-imbyerna. Ang pangit ng crush niya." Nagpadyak si Bakla sabay talikod sa akin at naglakad palayo. Nagtaka naman ako sa inasal niya. Anong nangyari dun? "Si Marion?" Tanong ni Lia na hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala. "Nauna na. Halika ka na, baka iwan tayo nun. Mahal pa naman ang pamasahe sa taxi." Sabi ko. Mabilis akong naglakad. Hindi naman makasabay-sabay si Lia at panay ang reklamo. "Ano ba yan,Lex?! Ang bilis mong maglakad. Para kang may hinahabol!" Sabi ni Lia habang sinusubukang sabayan ako sa paglalakad. "Late na ako sa trabaho ko." Rason ko. Hinihingal si Lia ng makarating kami sa parking lot ng university. "Ang bagal niyo,ah." Sabi ni Marion. Tinuro ko naman kaagad si Lia. "Siya ang sisihin mo. Ang bagal niyang maglakad,eh." Napailing si Marion. "Ano pa nga bang aasahan aketch?" Tanong niya sa sarili. Sumakay ako sa backseat ng kotse ni Marion habang si Lia ay nasa shotgun seat. Pinaandar ni Marion ang kotse niya at umalis na kami ng university. "Minsan kasi Lia, huwag ka ng magpaganda, bruha ka rin lang." Sabi ni Marion habang humaharurot ang kotse. "Anong bruha? Maganda kaya ako." Depensa naman ni Lia. Umiling-iling si Marion. "Bakit ka ba kasi nagpapaganda? Hindi ka rin lang napapansin ng fafa Dave mo." Ngising-ngisi nitong sabi. "Anong hindi napapansin?" Si Lia naman ang ngumisi. "Nag-add friend kaya siya sa akin sa f*******: at kinuha ang number ko and he ask to have a date with him. Yiiieee!" Kinikilig na sabi ni Lia. "Tsk! Ang pangit naman niya." Marion said. Napabuntong-hininga ako at napailing. Nakikinig lang ako sa banyagan ng dalawa. "Anong pangit?! Ang gwapo kaya ni Dave. Inggit ka lang!" Sikmat ni Lia. "Excuse me! Hindi ako naiingit!" "Tsk! Inggit ka lang,noh." "Ah,basta pangit siya." Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. "Bakit ba kinokontra mo ako? At least nga mararanasan ko na ang magka-boyfriend." "Sigurado ka bang magiging bf mo yung tao. Ambisyosa! Kaimbyerna!" "Alam mo ikaw bakla ka?! Malapit na akong mapuno sayo!" "Owwss...talaga?!" "Marion Cedrick Tomas!!!" Sigaw ni Lia. "Pwede ba?! Call me Marian! That's my name!" Dahil sa sagutan ng dalawa parang may pumitik sa sentido ko at naalala ko ang memoryang pilit kong kinakalimutan. Simpleng sagutan lang ng mga kaibigan ko pero bakit naalala ko pa? Kasalukuyang humaharurot ang kotse namin. Nasa backseat ako, nasa shot gun seat si Mama at si papa ang driver. Nagsasagutan silang dalawa... "Bakit ba hindi mo maiwan-iwan ang trabaho mo?! Dalaga na ang anak mo at kailangan niya ng ama na gagabay sa kanya!" Pasigaw na sabi ni Mama. "Sonia,intindihin mo ako. Ginagawa ko ito para sa kanya." Sabi ni papa at sinulyapan niya ako. Umiling si mama. "Sa ganoong uri ng trabaho?! Wilson,may hangganan ang lahat. Paano na lang kung wala ka at may nangyari sa amin ng anak mo." "Sonia,hindi pa man tayo nagkakilala,ganito na ang trabaho ko." "Basta Wilson, mamili ka. Trabaho mo o kami ng anak mo." Seryosong sabi ni Mama. "Sonia naman---" "Mamili ka,Wilson." Napabuntong-hininga si Papa at umiling. "Sonia,mahirap bang intindihin ang trabaho ko?!" Pasigaw na tanong ni Papa. "Mahirap,Wilson. Lalo na at hindi ko alam kung kami lang ng anak mo ang pamilya mo!" "At inaakusahan mo pa---" nanlaki ang mata ko dahil pagtingin ko sa unahan ay babangga kami sa isang malaking truck. At mukhang hindi napansin ni Papa dahil nakikipagsagutan ito kay mama. "Papa!" Sigaw ko. Malakas na bumangga ang kotse namin sa malaking truck. Halos tumilapon na ako sa harap dahil sa lakas ng impact. Bago pa ako mawalan ng malay ay nakita ko ang dugong naikalat sa windshield ng kotse... "Tama na!" Sigaw ko. Naramdaman ko ang biglaang pagpreno ni Marion. Nauntog ang ulo ko sa likod ng upuan ni Lia. "Aray..." Hinaplos ko ang nasaktang noo ko. "Lex,ayos ka lang?" "Girl,okay ka lang ba?" Magkasabay na tanong ng dalawa. Tumingin ako sa kanila lalo na sa harapan ng kotse. Nakahinga ako ng maluwang. "Ah,oo. Ayos lang ako." Napahilamos ako sa mukha ko. Bakit naalala ko pa yun? "BYE, LEX!" "Bye,girl!" Kumaway ako sa kanilang dalawa. "Ingat!" Sabi ko at pumasok na sa café. Nakita ko naman na abala sa pagsi-serve si Kiel, ang nag-iisang waiter ng café. Marami ring mga customer. "Mabuti at nandito ka na,Lex. Ikaw na ang magpatuloy sa ginagawa ko." Sabi ni Tita A na nasa counter. Ngumiwi ako. "Pasensiya na po,Tita. Late ako." "Ayos lang." Sabi ni Tita A. Pumasok na si Tita A sa loob ng opisina nito. Ako naman ang pumalit sa counter. Inilapag ko ang backpack ko sa upuan at sinimulan ko na ang magtrabaho. Hanggang sumapit ang 6:00 ng hapon ay marami pa ring mga customer. Masarap kasi ang mga cakes at pastries na gawa ni Tita kaya binabalik-balikan. " ... 370,ma'am." Kaagad namang nagbayad ang ginang at kinuha ang cake na ibinalot ko. "Miss,five slice of chocolate sponge cake and five Caffè Americano." Order ng lalaki na lumapit dito sa counter. "Okay,sir. Hintayin niyo na lang po sa table niyo." "Thanks. Table 10,Miss." Sabi nito. "Yes sir." Inihanda ko naman agad ang mga order nila at inilagay sa tray. "Kiel,paki-serve naman sa table 10, oh." I said. "Okay." Kinuha naman agad nito ang dalawang tray. Pasimple kong inilibot ang tingin ko sa paligid dahil naramdaman kong may nakatingin sa akin. Walang nakatingin sa akin pero nararamdaman ko talaga na may nakatingin sa akin. Salamat na lang at matalas ang pakiramdam ko. That feeling is not odd to me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD