Chapter 5

980 Words
Someone's POV "Boss." Tawag sa akin ng isang tauhan ko. Ang mga inutusan kong hanapin ang nawawalang blue book. "Did you found it?" I asked. Umiling ang mga inutusan ko. "Mga inutil! Find the blue book, kailangan nating maunahan ang Vasquez's Clan kung hindi tapos na tayo. Kailangang tayo ang magpabagsak sa kanila!" I smirked evily. "Yes,boss." Umalis na ang mga tauhan ko. Kung hindi lang sana nakuha ni 'Sniper' ang blue book ng Cordova at nakuha namin ang blue book ng kalaban. Malamang ay bumagsak na sila. Damn you,Sniper! "Kuya." Napalingon ako sa kapatid ko na nakaupo sa sofa. "What?" "Wala ka ba talagang ideya kung saan itinago ng sinasabi mong sniper ang ninakaw niyang blue book at sino ba ang sniper na sinasabi mo?" Nicoke asked. "Sniper is a codename, walang nakakaalam kung sino siya." Kumuyom ang mga kamao ko. Sniper pretended that he is one of us but he is a traitor. Kasapi siya ng Clan ng  Vasquez. Kinuha niya ang tiwala namin bago niya ninakaw ang blue book. Pero nakuha niya ang blue book at kasapi siya ng Vasquez's Clan, kung ganun ay wala sa mga kamay ng kalaban ang blue book ng Cordova. Hindi niya ito naibigay sa kanila. Alexiz's POV Dalawang linggo na ang nakalipas at patuloy na may mga nadadatnan akong mga bulaklak sa tapat ng pinto ng bahay ko everytime na manggaling ako sa trabaho, which is creepy. Ikaw ba naman ang makakatanggap ng bulaklak sa hindi mo kilala kahit ni anino niya. Oo, nakakatuwa na makatanggap ng bulaklak lalo na't ito ang first time na makatanggap ako ng bulaklak mula sa ibang tao pero hindi ko maiwasang makaramdam ng takot. Baka mamaya obsessed pala ang nagbibigay sa akin nito o di kaya'y r****t. Huwag naman po sana, Lord. Wala ng nagte-text na unknown number na ipinagpapasalamat ko. Pero nagtataka ako kung sino ang nagbibigay sa akin ng mga bulaklak? Kung sinuman siya, hindi ako natutuwa. Tsk! Stalker na hindi ko alam kung saan nagmula. Hindi ko na ito sinabi sa mga kaibigan ko dahil OA ang mga 'yon kung mag-react. At ang nakakainis pa, the unknown flower sender keeps on saying 'congratulations' and 'goodnight.' Napailing ako. Weird! Sa pagkakatanda ko ay hindi naman ako nanalo sa lotto o anupaman para i-congratulate ako. And alam kong hindi maganda ang lahat ng gabi ko pero sasabihan pa rin ako ng 'goodnight.' Hayyy naku naman... Linggo ngayon kaya wala akong pasok sa café ni Tita A at sa university. Inabala ko na lang ang sarili ko sa paggawa ng mga projects at assignments ko dahil busy ang mga kaibigan ko sa mga pamilya nila at ayaw ko ring makaistorbo. 4:00 PM. Natapos ko lahat ng mga ginagawa ko. At naisipan kong magluto ng hapunan ko. Naalala ko, kailan ba ako huling nakakain ngtotoong pagkain? Dahil halos mga instant noddles o di kaya ay canned goods ang mga kinakain ko. Napabuntong-hininga ako. Napa-face palm ako at napailing dahil naubos ko na pala ang mga instant noddles at canned goods. Napailing ako. Ganun na ba ako ka-busy para hindi mapansin na ubos na pala ang mga stocks kong pagkain. Wala ring mga gulay o karne na pwedeng iluto. Bigas lang ang meron. Hay buhay! Ang hirap pala ng nag-iisa. Twenty minutes later... Natagpuan ko ang sarili ko dito sa department store. Kumuha ako ng push cart. Dampot lang ako ng dampot ng mga instant noddles at canned goods. Papunta ako sa vegetable section ng madaanan ko ang mga pads. Naisipan kong bumili dahil naubos ko na ang pads ko noong nakaraan buwan. Napasimangot ako dahil nasa itaas ang mga regular pads. Halos pang night flows ang mga nasa ibaba. Seriously, nang-aasar ba sila? Argh! Sa liit kong 'to,maabot ko kaya ang nasa itaas? Napabuga ako ng hangin. Tumalon-talon ako para abutin ang nasa itaas na pads na gusto ko pero hindi ko talaga maabot. Napanguso ako. Tatawag sana ako ng assistance pero may tumabi sa aking lalaki na naka-bull cap kaya hindi ko nakikita ang mukha niya at siya na ang kumuha sa regular pads na gusto ko. Matangkad ito kaya naabot niya ang nasa itaas na istante. Kumuha ito ng limang packs at inilagay sa push cart ko. Naramdaman kong nag-init ang pisngi ko. "S-salamat..." Nahihiya kong sabi. Hindi ito nagsalita at basta na lang umalis. Napanguso ako. He's rude. Pero salamat sa kanya. Nakuha ko ang regular pads na gusto ko. Ipinagpatuloy ko ang pagpunta sa vegetable section pero kaunti lang ang binili ko dahil alam kong hindi ko rin lang ito mauubos at masisira rin lang. Ganun din sa karne. Konti lang ang binili ko. Pero medyo dinamihan ko ang binili kong prutas. "3783,ma'am ..." Sabi ng cashier. Agad naman akong kumuha sa pitaka ko at ibinigay sa kahera. Nagpatulong na lang ako sa pagbubuhat ng mga pinamili ko at nagpahatid sa labas ng department store. Aba! Hindi ko kayang buhatin lahat ng nga pinamili ko 'no. Nag-abang ako ng taxi at nagpahatid sa subdivision na tinitirhan ko. "Manong, pakibaba na lang po diyan. Ako na lang po ang magpapasok sa mga pinamili ko."  Sabi ko. "Sige, hija." Ng maibaba lahat ni Manong Driver ang mga pinamili ko ay agad kong ibinigay ang bayad ko. "Keep the change, manong." "Salamat, ma'am." Tumango na lang ako at tipid na ngumiti. Nang makaalis ito ay ipinasok ko ang mga pinamili ko at inilagay sa ref ang mga dapat na mailagay para hindi agad mabulok. Nagpainit ako ng tubig dahil malamig na ang tubig na nasa thermos. Nagbukas ako ng isang instant cup noddles at ng mainit na ang tubig ay nilagyan ko ang binuksan kong cup noddles. Tinatamad na akong magluto ng hapunan ko. Bukas na lang siguro. Nang matapos kong kainin ang noddles, itinapon ko sa trash bin ang cup at pumunta ako sa living room. Ibinagsak ko ang katawan ko sa sofa dahil sa pagod. Gabi na rin pala. Sumandal ako sa kinauupuan kong sofa at pumikit. And for the first time since my parents died, I drifted to sleep, peacefully. I don't know why?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD