Hello everyone, ako nga pala si Alice Gail Sarmeinto, 19 years old. Maganda, pasaway, pero baby ni Kuya Jacob. Hehehe. Dahil nga pasaway ako kaya nag-stop muna ako sa pag-aaral. Baka kasi lahat ng students doon maging kaaway ko na rin. Joke lang po!
"Hoy, Lice! Kanina pa kita kinakausap!"
Napalingon ako nang tapikin ako ni Abe sa balikat. Nakakunot pa ang noo niya habang nakatitig sakin.
"Bakit?" takang tanong ko.
"Anong bakit? Hindi ka nakikinig sakin eh!"
"Eh ano ba kasing sinasabi mo?"
"Paki hawakan muna 'tong yosi ko."
"Ano nanaman?" inis kong tanong.
"Mag-CR lang ako. Kanina ko pa pinipigilan, hindi ko na kaya. Please lang, Lice."
Huminga ako nang malalim bago kinuha sa kamay niya ang sigarilyo. Pagkaabot na pagkaabot niya sakin, agad siyang tumakbo papuntang comfort room.
"Hays... ewan ko ba sayo," bulong ko.
Alam niyo ba kung nasaan kami? Syempre hindi niyo alam. Nasa plaza kami dito sa lugar namin. Maliit lang ang baryo namin pero sobrang ganda ng plaza. Maraming ilaw, maraming tao, at may malaking acacia tree sa gitna kung saan kami nakapwesto habang kumakain ng snacks.
Pero itong kaibigan ko? Hindi talaga mawawala ang bisyo. Bukod sa beer, may dala pang yosi. Napaka-smoker talaga ng babaeng yon.
Tahimik akong nakaupo habang hawak ang sigarilyo nang may biglang tumikhim sa harap ko.
"Excuse me, miss?"
Napatingala ako. Tatlong lalaki ang nasa harapan ko. Nakasuot sila ng dark blue uniform ng barangay. Yung isa nakakunot agad ang noo habang nakatingin sa kamay ko.
"Po?" inosente kong sagot.
"Bawal mag-yosi dito. Hindi niyo ba nabasa 'yon?" sabay turo niya sa likod ko.
Napalingon naman ako at doon ko lang nakita ang malaking sign na:
NO SMOKING AREA
"A-Ah... actually po hindi sakin 'to. Pinahawakan lang sakin ng kaibigan ko."
Natawa naman ang isang lalaki.
"Miss, huwag mo kaming lokohin. Anong kaibigan? Ikaw lang naman nandito."
"Sabi ko nga po sa kaibigan ko 'to eh! Nag-CR lang siya!" inis kong sagot.
"Huy miss, ayusin mo pananalita mo ha," sabi nung isa bago biglang kinuha ang beer sa tabi ko. "Teka... beer ba 'to?"
Shit.
"H-Hindi po... ano lang 'yan... C2. Nilagay lang namin diyan."
Binuksan niya ang bote at naamoy agad ang laman.
"Tingin mo ba maloloko mo kami?" taas kilay niyang sabi. "Sa barangay ka na magpaliwanag."
"Sandali lang kasi! Hindi naman ako umiinom at nagyoyosi! Sa ganda kong 'to tingin niyo magyayosi ako?"
"Ikaw lang nakakaalam niyan, miss."
Kinuha nila ang beer at sigarilyo habang hinawakan naman ako nung dalawa sa magkabilang braso.
"Teka lang! Hintayin muna natin kaibigan ko!" pagpupumiglas ko pero ayaw talaga nilang makinig.
"TEKA LANGGGGGG!"
-
"Umaamin ka na ba na nagyoyosi ka?"
"Bakit ba kasi ako aamin eh hindi naman totoo!"
Nasa barangay hall na kami ngayon. Nakaupo ako sa monoblock chair habang nakapalibot sakin ang mga tanod. Parang kriminal ampota.
"Kung ganon, tawagan mo pamilya mo. Papuntahin mo dito."
Nanlaki mata ko.
Ay nako. Patay ako kay Kuya Jacob kapag nalaman niyang nasa barangay ako.
"Mr. Chairman, please naman po," sabi ko habang nakatayo. "Maniwala kayo sakin."
Tumingin silang lahat sakin.
"Kayo po ba..." turo ko sa kanila isa-isa, "kapag pinabantayan kayo ng gamit tapos may nangyaring masama, kayo agad sisisihin kahit hindi naman kayo gumawa?"
Tahimik silang lahat.
"Ganun po nangyari sakin. Hindi ako smoker. Hindi rin ako lasinggera." Tumuro pa ako sa matandang chairman. "Ikaw po, Mr. Chairman, mukha ba akong nagyoyosi?"
Tahimik siyang napaisip bago nagsalita.
"Okay."
Nanlaki mata ko sa tuwa.
"See? Naniniwala na kayo sakin!"
"Anong kaguluhan 'to?"
Biglang nanahimik ang buong barangay hall nang may malalim na boses na nagsalita mula sa may pintuan.
Lahat ng tao doon agad tumayo.
Napalingon ako.
At doon ko siya nakita.
Matangkad. Naka-black polo. Nakasimangot. Malamig ang tingin at parang kayang pumatay gamit lang ang mga mata niya.
Napalunok ako nang marinig ko ang bulong ng mga tanod.
"Si Mayor..."
Dahan-dahan siyang naglakad papasok habang seryoso ang mukha. Ramdam ko agad ang bigat ng presensya niya.
Mayor Zander Sebastian.
Ang batang mayor ng bayan.
Kilalang istrikto.
Mainitin ang ulo.
At walang pasensya sa mga matitigas ang ulo.
Huminto siya sa harap ko at malamig akong tiningnan mula ulo hanggang paa.
"Siya?" tanong niya.
"Opo, Mayor," sagot agad ng tanod. "Nahuli pong nagyoyosi at may dalang alak sa plaza."
"Tsk." Umigting panga niya habang nakatingin sakin. "Mukha ka pang bata pero marunong ka nang uminom at magbisyo?"
"Ano po bang problema niyo? Hindi nga sakin 'yon!"
Mabilis bumaling sakin ang tingin niya.
At doon ako kinabahan.
Dahil sa unang pagkakataon... may lalaking tumingin sakin na parang gusto niya akong lunukin nang buhay.
"Matigas ang ulo," malamig niyang sabi.
"At ikaw naman, masyadong galit," sagot ko agad.
Nagulat silang lahat sa sinabi ko.
Pati ako.
Unti-unting ngumisi ang mayor pero halatang pigil ang inis niya.
"Dalhin mo pamilya niya bukas dito," utos niya sa mga tanod. "At ikaw..." muli siyang tumingin sakin.
"Simula ngayon, bantay-sarado ka sakin."
WHAT?!!!