Chapter VIII

1743 Words
Third Person's POV Patuloy ang paghalakhak ng misteryosong lalaki habang walang awang ginugulpi si Chase ng kanyang mga tauhan. Iba't ibang pasa sa buong katawan, namamagang mukha dulot ng paulit-ulit na hampas ng matigas na kahoy, at nagdudugong ulo dahil sa walang humpay na paghambalos dito. Ilan lamang iyan sa mga natamo ni Chase, sa mga oras na ito, walang ibang laman ang isip niya kung hindi ang maghiganti sa taong nagdudulot sa kanya ng walang awang paghihirap at sakit. Habang patuloy na hinahagupit, nilingon ni Chase ang taong dumukot sa kanya, kitang kita niya sa mga mata nito ang labis na kasiyahan. Maya-maya pa pinatigil nito ang mga tauhan at marahang lumapit sa kanya, the man forced Chase to look at him directly. "Learn your lesson Orion, don't search for what has long been buried in the past, huwag mong sayangin ang pagkamatay ng mga magulang mo para lang maprotektahan ka." The man walk back and sat on his chair. "Ano bang meron sa nakaraan na ayaw mong malaman ko at kailangan mo pa akong ipadukot?? Sa tingin mo ba...may magagawa pa ako kahit malaman ko? o may gusto kang makuha na parte ng nakaraan kaya ayaw mong malaman ko?" Alam ni Chase kung ano ang gusto ng lalaki, hindi siya bobo para hindi malaman. Alam ni Chase na ang kwintas sa libro na nakita niya ang pakay nito, ang Collier Clé ay makapangyarihang kwintas na isa sa naging dahilan ng malaking trahedya noon ngunit ano naman ang magiging benepisiyo kung malaman ni Chase ang tungkol dito. Base sa libro, tanging Hybrids lang ang may kakayahang hawakan at manipulahin ito. Sa ngayon, wala pang kaalam-alam si Chase na isa siyang Hybrid. "Binabalaan kita Chase, stop meddling on the things of the past." The man said and whispered something on his personnel. After he left, his personnel released Chase and gave back his things. Iika-ikang umalis si Chase at naglakad palabas sa lugar na iyon, pag labas, bumungad agad sa mga mata ni Chase ang magandang kagubatan. Gamit ang natitirang lakas ay pinilit niyang makalayo, Chase knows that after this ay pababantayan na ang bawat kilos niya pero kahit ganoon kailangan niyang malaman ang buong katotohanan tungkol sa nakaraan at kung bakit gustong itago iyon ng lalaki. While Chase was walking, he didn't notice that someone was following him. The unknown person was secretly smiling as if it was planning something. Chase's POV I need to know why he wants to hide the truth and what his plans are. May kinakatakutan ba siyang pangyayare mula na nakaraan na ayaw niyang malaman ng nakararami? Sa paglalakad, nakahanap ako ng batis kaya marahan akong lumusong at naghubad para maligo. Habang naliligo sa batis, bumalik lahat ng nangyaring pagpapahirap niya sa'kin. I swear I will do everything to get my revenge, malalaman ko rin ang pinaplano mo.. "Huwag mong sayangin ang pagkamatay ng mga magulang mo para maprotektahan ka.." tila isang echo na nagpaulit-ulit sa isipan ko ang mga kataga niyang iyon. What does he mean? anong kinalaman ng pagkamatay ng parents ko sa issue na ito...my parents were... Suddenly, I felt a sharp pain in my head and a forgotten past about my parents death flashed through my mind that made my visions blurry... Flashback "Chase tandaan mo huwag na huwag kang lalabas ng bahay, manatili ka lang rito," saad ng aking Ina. Lumapit sa'kin ang aking ama at isinuot ang isang purple necklace, "Orion anak, palagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin ng iyong ina, manatili ka lang dito." sambit ni ama bago umalis. Tumakbo ako kay ama at niyakap ito, tumingin si ama kay ina sabay baling ng tingin sa akin. "Ama, magbabalik pa ho ba kayo? Ipangako niyo sa akin, nakikiusap ako!" I said while suppressing my tears. Although I was only 5 years old, I know that my parents will leave to fight the demons at walang kasiguraduhan kung makakabalik pa ang mga ito. "Pangako, babalik kami ng iyong ama." sambit ng aking ina at marahang hinaplos ang aking pisngi bago umalis. Wala akong nagawa kung hindi ang magtiwala. Matiyaga akong naghintay hanggang sa sumapit na ang dapit-hapon, habang nag babasa ako ng libro sa aking kwarto ay nakarinig ako ng ingay sa labas. I quickly came out thinking it was my parents, when I got outside, a big genuine smile painted on my lips as I ran towards them. Ngunit...ang ligayang nararamdaman ko nang mga sandaling iyon ay naglaho rin na tila isang bula ng biglang mag suka ng dugo ang aking ama at bumagsak sa lupa. "Chase run-" hindi na natapos ni ina ang kaniyang sasabihin dahil kasunod itong pinaslang. I felt like my world stopped moving as I saw my parents murdered in front of me... "C-chase...an-nak ko...m-magtago...ka..pa..ki..u-" once again the killer did not only bury his sword on my parents, the killer also trampled upon them until it was satisfied and left. Hindi ako halos makagalaw sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan ang mga magulang ko na nakahandusay sa lupa at duguan. Marahan akong naglakad palapit sa kanila, "I-ina...a-ama...hindi...pakiusap gumising kayo, Ina!!Ama!!" Patuloy ang paghagulgol ko ng iyak kasabay ang pagbuhos ng malakas na ulan sa gabi. End of Flashback Habol ko ang aking paghinga matapos ang alaalang matagal ko nang nakalimutan, unti-unting bumalik ang kirot sa aking puso. Isa-isang nag uunahang kumawala ang aking mga luha habang patuloy na binabalik balikan ang alaalang iyon. Oo, hindi nga pala totoong namatay sa pakikipaglaban sa demons ang mga magulang ko. They were murdered right in front of me when I was still a child. I remembered after what happened to my parents, I fell into a coma for almost 5 months that made me forget about it. When I woke up from my coma, the chief commander of the knights made me believe that my parents died during the war between demons. Their lies....I understand that back then I was still a child to handle it but, for them to hide it this long... I still blame myself for what happened that time, may nagawa sana ako...nailigtas ko sana sila kung hindi lang ako naging duwag. Kaso wala, pinairal ko ang pagkaduwag ko. However, now that I gained my forgotten memory I will find whoever killed my parents and give them justice. Hindi ako papayag na hindi ko malalaman kung sino ang pumatay sa kanila, at kung may kinalaman ba ang taong nagpadukot sakin sa pagkamatay ng parents ko dahil alam niya ang tungkol dito. Iilang tao lang ang nakakaalam ng totoong nangyare tungkol sa pagkamatay ng parents ko at alam kong isa sa kanila ang traydor. I will find whoever that mastermind is, I swear. Pinunasan ko ang aking luha at nagpatuloy sa paliligo, habang busy sa paliligo ay may nahulog sa batis kaya nilingon ko agad ito sabay suklay sa buhok ko gamit ang aking kamay. Laking gulat ko nang isang babae ang umahon, isang babae na may makinis ngunit maputlang balat, may pulang mata at pula ring buhok. "Maniyak! Sino ka?!" sigaw ko habang pilit tinatakpan ang aking katawan. "Hindi ako maniyak aber! kapal naman ng mukha mo lalaki!" Sigaw nito pabalik sa akin sabay ahon. Aba lakas mag deny, akala niya siguro hindi ko alam na kanina pa niya ako sinusundan. "Maniyak ka! kanina mo pa nga akong pinapanood maligo, mga babae talaga, marahil ay isa kang kiri," sumbat ko sabay irap. Mga kiri talaga sa panahon ngayon nagkalat. Nilingon ko ito dahil bigla itong tumahimik at kita ko sa kaniyang mukha ang inis. "Ayusin mo 'yang mukha mo paling." Sinabuyan ko ito ng tubig sabay ahon. Kitang kita ko ang mas lalong pagkainis nito, lakas niya manilip, deserve niya yan. Nagpunas na ako ng aking katawan at nag suot ng damit, habang pinapagaling ang aking sarili gamit ang healing magic ay bigla itong nagsalita . "Una sa lahat, hindi ako kiri, pangalawa hindi ako maniyak!" saad nito habang umuusok ang ilong. Nilingon ko naman ito nang hindi natitigil ang pagpapagaling sa aking sarili. Unti-unti ay gumaling ang aking mga pasa at bumalik ang kagwapuhan ko, sa wakas gwapo na ulit ako. Habang natingin sa kaniya, kita ko ang pagkislap ng kaniyang mga mata, hmm...pogi ko kasi. Hindi naman literal na umuusok ang ilong niya pero kita ko talaga, ano ba kasing problema niya. Sa lahat ng gagambalain niya ako pa? "Kung hindi ka maniyak,bakit mo ako sinusundan? Kanina pa kita nahahalatang pinapanood ako." Sambit ko habang nag aayos na ng sarili. "Sinundan lamang kita dahil nakita kitang naglalakad na sugatan, gusto ko lang tumulong tapos ako pa pag iisipan mo nang masama, diyan kana nga." saad nito sabay alis. "Hindi ko kailangan ng tulong mo kiri!" Sigaw ko sabay tawa ng mahina. Sumigaw naman ito pabalik, "Hindi nga ako kiri at lalong hindi kiri ang pangalan ko kun'di Moka!" Dali dali itong tumakbo palayo hanggang sa mawala na ito sa aking paningin. Matapos nitong mawala sa aking paningin, agad na naglaho ang ngiti ko. I felt a weird dangerous feeling towards that girl and I can't just ignore it, I know there's something wrong with the flow of her aura. Earlier, I saw the color of a dark red with a hint of black hues. Sigurado hindi ito ang huling beses na magkikita kami, I can feel that she's dangerous. There's no way she keeps following me earlier just to give me help, I know may iba pa siyang pakay kanina. Nahuli ko lang siya kaya nag-isip siya ng ibang reason para mapaniwala ako. Well, malas niya dahil hindi niya ako maloloko. Ano ang totoong pakay mo sa'kin...Ms. Moka... From now on I need to be careful and cautious at the same time, kailangan ko rin maging ma-ingat sa mga pinagkakatiwalaan ko. Pagkatapos mag ayos ay nag desisyon na lang ako na gumamit ng teleportation magic since sobrang pagod na ako. However, I need to be extra careful since teleportation magic is a legendary magic in ancient times that has been long gone. Nabasa ko ito sa isang ancient book at sinubukan kung magagawa ko, then I did it luckily that's why I don't use it often. I don't know how I can easily restore most of the lost magic, but on the other hand, it's also great and convenient to be able to use it. For now, I need to get back already since it's getting dark and most of the monsters and demons are lurking around.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD