Chapter 42: ISABELLA "Chloe, samahan mo na siya. I'm fine here," pangungulit ni Tristan. Nang sabihin ko pa lang na aalis na ako ay kanina pa siya hindi mapakali na mag-isa lang ako. Maaga pa naman kaya hindi kailangang mag-alala, hindi pa madilim. Alas sinco pa lang ng hapon, mamaya pa tuluyang didilim ang langit. "Tristan, relax! Nakarating nga ako rito nang ligtas," natatawa kong sinabi. "Of course, you haven't heard anything from me because I didn't know you'll go alone. No wonder why your husband is very paranoid." Hinawakan ko siya sa balikat niya. "I'll be fine, don't worry. Uuwi lang naman ako, e. Kagaya ng kanina kumuha ako ng taxi, diretsyo na sa bahay," sinabi ko na lang para kumalma na siya, kahit hindi totoo. Sa katunayan ay may gusto pa akong puntahan, pero mas mabuti na

