(WARNING) Chapter 15: ISABELLA Katatapos ko lang maghilamos. Nag-aayos ako bago matulog nang mapatingin ako sa direksyon ni Adonis mula sa salmin. Tahimik siyang nakaupo sa kama at nakasandal sa headboard. Napabuntong-hininga ako. Kanina ko pa napapansin ang pananahimik niya, para bang ang lalim ng iniisip niya. Kanina ko pa siya gustong tanungin kung bakit, kung tungkol ba ito kay Ruru Fi, pero hindi ko naman alam kung saan ko sisimulan. Nagpasya na akong lapitan siya at umupo sa tabi niya. Napatingin siya sa akin at nagpilit ng ngiti. "Adonis, gusto sana ni Chloe na lumabas kami bukas," sinabi ko sa gitna ng katahimikan namin. Tumikhim siya na para bang hinanap niya muna ang boses niya. "Sure, tatawagan ko iyong magiging driver mo." "Meron ka na kaagad?" "Yes, a friend. Naghaha

