Chapter 40: ISABELLA "How are you, Sweetie?" tanong sa akin ni Tita Alison nang salubungin niya ako sa ibaba ng hagdanan. Sinulyapan ko muna si Adonis na nasa likuran ko bago bumaling kay Tita Alison. "Okay lang po ako, hindi na rin po masakit ang katawan ko." Masuyo siyang ngumiti at hinaplos ang buhok ko. "Good to know that. Maaga kang bumaba, hindi na ba masakit ang ulo mo dahil sa gamot?" Usually ay kahit anong aga ko ng gising ay tanghali pa rin akong bumaba dahil sa side effect ng gamot na iniinom ko. Pero dahil sa hininto ko na iyon ay naging maganda ang gising ko ngayong umaga. Wala akong naramdaman na sakit ng ulo. Nakaka-miss din na walang iniinda. "Tita, hindi ko na po iniinom ang gamot." Natigilan siya at napabitiw sa akin. Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata niya, para

