Chapter 10: ISABELLA Napaangat ang ulo ko nang marinig ko ang paggalaw ng doorknob. Dahan-dahan iyong bumukas at pumasok ang bulto ng isang lalaking kilala ko kahit na madilim dahil nakapatay ang mga ilaw, konting liwanag lang ang kayang gawin ng lampshade kaya hindi iyon umabot sa kaniya. Lumapit siya sa akin. Nagpilit ako ng ngiti nang makita ko na ang mukha ni Adonis. Ginalaw niya ang lampshade para i-adjust ang ilaw niyon habang nakatingin sa akin. "Bakit gising ka pa? Nightmares?" Umiling ako at inayos ang buhok ko sa balikat ko. "No, hindi lang ako makatulog." Sinundan ko siya ng tingin nang umupo siya sa gilid ng kama. "Amoy alak ka, uminom ka?" To be honest hindi ko matandaan kung bakit alam ko ang amoy ng alak. I just know. Binalingan niya ako. "I have to, hindi lang naman a

