CHAPTER 16 UNANTICIPATED STEAMY NIGHT Written by; MHAYIE Qadira; Hanggang sa pag uwi ko rito sa Condo hindi parin ako pinatatahimik ng isipan ko! Kasi mula ng bumalik ako sa lugar kung san ko nakilala si Dieter noon ,madaming What if na ang naglalaro sa isipan ko,hindi ko siya matignan ng maayos dahil pagsusulyap ako sa mga mata niya,binabalot ako ng guilty kahit wala pa naman kasiguraduhan na siya nga yung batang iyon,maari nga bang nagkataon lang lahat ? Na yung D na pinakiusapan kong hanapin at pakasalan ako ay ang taong muntik ko nang pakasalan O talagang tadhana na ang gumawa ng paraan para magkita kame? Nasa ganun akong kaisipan ng hindi ko na namalayan ang pagdating ni Dexter. Nag-aalalang lumapit ito sa akin at sinalat ang noo ko at dalawang pisngi, “Masama ba pakiramdam mo?

