CHAPTER 41 UNANTICIPATED STEAMY NIGHT Written by; MHAYIE Dexter pov; Halos tatlong taon na ang nakalipas ng malaman ko ang malubhang sakit ni Jewel hindi na kasi ito nagpakita pa o umuwi ng bahay matapos ang kaganapan samin noon at talagang doon ko lang siya nakita naging mahina at matatakutin,pinuntahan ko kung saan nagpapagamot si Jewel ang laki ng pinagbago ng katawan ni Jewel na halos hindi mona ma aninag ang tunay na ganda nito ,hindi ito makatingin sakin nang daretsyo dahil ayaw niya na kaawaan siya. “S-iguro parusa ko na ito sa lahat ng kasalanan ko!” Usap nito habang nakatingin sa bintana . “Maling mali na sinira ko ang pamilya ng kababata ko na tinuring akong kapatid! Pero wala ako magawa dahil buhay ng anak ko ang nakasalalay!” Pag amin nito. “Walang kasing sama ang Ama k

