CHAPTER 5
“UNANTICIPATED STEAMY NIGHT”
DEXTER CAPINIG;
“Hi Daddy Dexter !mukhang pinuyat ka?”-pang iinis ni Vince.
Sino ba naman ang hindi mapupuyat ,kung yung Kanyon ko ay Gising na Gising ! Bakit kasi ganon ang suot niya talaga bang sanay siya naka sleeveless at maikling short kaya tuloy ang Kanyon ko hindi kaya kumalma! Idagdag mo pa ang mapuputing hita nito at makinis na katawan at ang nakakabaliw ay ang pagsilip ng malulusog na dibdib nito,pakiramdam ko malalagutan ako ng pasensya paghindi pa ako lumabas ng silid,at kahit sa sofa na ako humiga sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata ,siya ang nakikita ko ,kaya paano ako kakalma?.
“Kaya ayoko lumandi ng Maaga!” Si Cris na nagpabalik sa ulirat ko .
“Wow ah? Talaga ba?Crisanto ayaw mo lumandi kasi gusto mo ikaw ang nilalandi? Ang choosy mo boy di ka naman Yummy!” -alaska ni Vince .
“Kesa naman sayo di malandi ang gusto kasi BASTED!” -si Cris
“Pumunta ba kayo dito para mag asaran ? Hindi playground ang Opisina ko!” Walang mood na suway ko sa dalawa.
“Maiba nga ano ba pinaggagawa mo mukhang di ka nakatulog?nagdadrugs kaba?” -walang kwenta na tanong ni Vince.
“Kung wala ako sa katinuan malamang kanina kapa walang buhay diyan Vince!”-sabi ko
“Ang harsh mo naman Bro parang nagbibiro lang naman ! Pinapasaya lang kita ang lungkot ng opisina mo walang kabuhay buhay!” Depensa ni Vince .
“Pwes bakit kayo naririto dalawa kung ganon? Wala ba kayo mga trbaho?” -iritadong tanong ko.
“Maiba tayo Dex ! Ano balak mo ngayon ?i mean ano plano mo kay Qadira” -usisa ni Cris.
“Wala!” Balewalang sagot ko .
“Xiomara Qadira Quinto?” -bulalas ni Vince na kinataas ng kilay ko .
“Do you Know Qadira?” Si Cris .
“Yes everything about Her !”-pagyayabang ni Vince na kinasimangot ko dahil bakit alam nito ang tungkol sa dalaga.
“Really?”si Cris
“Yes!”si Vince
“Then like what?” tanong ko.
“Nice Bro hindi halatang intereasado ka kay Qadira ah? Ok dahil soon Ninong kame libre ko na sasabihin sainyo !” -mahabang litanya pa nito .
“Xiomara Qadira Quinto a.k.a Qadira nag iisang anak ng mga Quinto ,alam mo bang base sa Sources ko masyadong pihikan yan si Qadira ,party girl but not boy hunter kaya congrats dahil ikaw ang nagwagi! Wala sumubok na manligaw o makipagkilala dahil sa ama niya pwera nalang kay Alex !”
“Alex?” Sabi ko.
“Tssk John Alexis Carlos ang may ari ng CBar na pinuntahan natin! kung saan mo siya nakuha !”nakangising sabi ni Cris
“Yes bro nadali mo! At eto pa swerte mo ulit Dex dahil nakauwi ka pang buhay ,dahil nga sa kaibigan ni Qadira ang may ari ng CBAR mahigpit ang pagbabantay kila Qadira ang sino mang ang sumubok na galawin ang grupo ni Qadira ay di na sisikatan ng araw !”
“So?”sabi ko dahil hindi ako natatakot sa Alex na sinasabi nito.
“Chill bro ano tuloy ko paba?”si Vince na kita ang saya sa nagiging reaksyon ko .
“Ang dami patutsaga bilisan mo kaya?” Naiinip na sabi ko .
“Oh siya Balik tayo kay Qadira, mabait at maganda si Qadira kaya lahat ay nahuhumaling sa kanya ,kaya di ka namin masisisi kung mabihag ka sa alindog ni Qadira! Dahil solong Anak hindi ito hinahayaan madumihan ang kamay nito as in buhay prinsesa talaga ito!”
“F**k !” Bulalas ko at hindi ko namalayan na nakagawa pala ako ng ingay ng hindi ko sinasadyas na mahampas ko ang mesa ko .
“Nagsisi kana ba?”nakangising sabi ni Vince .
Hindi ko na nagawang magpaalam sa dalawa at talagang iniwan ko sila sa opisina ko na may mga pagtataka sa mukha at kahit naman ako hindi ko rin maintindihan sarili ko,bakit ako nagkakaganito,lalo pa ako nainis ng abutan ako ng traffic dahil lunch break na At talagang naiinis na ako sa aking sarili .
“S**t bakit hindi ko naisip na baka hindi ito marunong magluto !” kastigo ko sa aking sarili.
Mag-aalauna na ng umusad ang traffic halos paliparin kona ang sasakyan ko sa bilis ng pagpapatakbo ko para lang makauwi agad ,ng marating ko ang Parking Lot hindi na ako nag-aksaya ng oras mabilis na nagtungo ako paakyat ng Condo ko dahil paniguradong hindi pa ito nakakain .
Pagpasok ko nadatnan ko ito sa kusina na Tinapay lang ang kinakain ,nahabag naman ako dahil bakit hindi ko man lang naisip na baka hindi ito marunong magluto.
“Anong oras na hindi kapa nakain talagang iyan lang ang kakainin mo ? Alam mo bang hindi healthy sa baby ang pagskip mo ng Meal ano nalang makukuha nito na sustansya?”
“Sorry !hindi kasi ako marunong sa pagluluto!”nakayukong sabi nito.
“Sana nag Grab ka na lang ng Food mo !”
“S-orry!” malungkot na sabi nito ,nakonsensya naman ako sa mga nasabi ko at isa pa kasalanan ko ,dahil kinalimutan ko na nakahold nga pala ang mga ATM nito at iba pang ari-arian nito na galing sa magulang niya.
Napabuntong hininga ako at napagpasyahan na magluto na lamang isa pa hindi din healthy para sa kanya ang mga instant cook or mga Grab mas ok parin ang lutong bahay lalo na para sa pinagbubuntis niya.
Tamang tama ang pagpasok niya sa may kitchen dahil malapit na ako matapos sa niluluto ko,kahit papaano may mga stock naman ako sa ref pero need parin pala bumili ng mga stock pa na food specially mga healthy food and more veggies.
“Have a seat!” Utos ko at naupo naman ito.
“S-alamat!” Nahihiyang sabi nito .
Matapos ko siya ipagluto naisipan ko sana magshower muna dahil galing ako trabaho.
Akmang aalis na ako ng hawakan ako nito “H-indi kaba sasabay?ang dami mong niluto hindi ko naman mauubos ito?”.
Hindi ko alam pero hindi ko kayang tumanggi sa kanya ,masyadong maamo ito ,”ok kukuha lang ako ng another plate “.
“No its ok salo nalang tayo wala naman ako sakit kung ok lang sayo?” Hindi ko inaasahan na yayain niya ako na magshare kame sa iisang plate, walang kaarte arte itong kumakain ,ok lang sa kanya na tabi kame kumain at maghati sa iisang plato,napapaisip tuloy ako kung ganito rin ba siya sa ibang lalaki na nakakasama niya .
“May problema ba?” Usisa nito ng mapansin nakatingin ako sa kanya .
“Hmm ganito karin ba sa ibang lalaki? I mean sanay ka makipagshare ng plato? “ hindi ko alam pero pagnaiisip ko na ganito rin siya sa ibang lalaki nkakaramdam ako ng inis .
“Hindi sayo lang ? Sorry kung iba ang naisip mo sa pagalok ko sayo na share tayo ng plato!” Sabi nito.
“Huwag mo nang isipin yung sinabi ko kumain kana!”tumango lang ito at nagpatuloy na sa pagkain,hindi ko mapigilan ang pagdako ng tingin sa kanya kita mo kasi sa kanya ang walang arte sa katawan , although na puro pagiging spoiled brat at social life ang naririnig kong balita rito,pero lahat ng iyon ay kabaliktaran sa mga kinukwento ng iba,iba si Qadira sa kwento ng iba at sa personal walang bahid ng pagpapanggap wala ako mahagilap na nagpapanggap lamang ito sa harap ko dahil lagi ko nakikita na pinapakita nito kung sino talaga siya.
“You dont know how to Cook?”tanong ko .
“Y-es!”nahihiyang sabi nito.
“Gusto mo turuan kita magluto?” Hindi ko alam bakit bigla nalang lumabas sa bibig ko kelan pa ako naging chief?
“T-alaga?” Bakas ang pagkaexcite nito sa mukha ,napatango naman ako .
“Promisse tuturuan mo ako?” Sabi pa nito at nagpromisse pingky sign pa ito na akala mo bata ang kausap,napangiti nalang ako sa kakulitan niya…
“Ano gusto mo? May gusto ka paba kainin—-!?”
“IKAW ! “ Natigilan ako sa sinabi niya at talagang di ko maiwasan hindi mapalunok ng ilang beses dahil sa tensyon ,kita rin ang pangangamatis ng mukha niya “I–kaw bahala!” dagdag pa nito .
“*F**k “katigo ko sa aking sarili.