CHAPTER 3
"UNANTICIPATED STEAMY NIGHT"
WRITTEN BY; MHAYIE
DEXTER CANIPIG
FAMILY GATHERING?ang hilig talaga ng pamilya namin sa Fix Marriage ngayon kapatid ko naman ang gusto nila ipakasal wala naman kame magawa dahil yun ang tradisyon ng pamilya namin ,bakit hindi nalang nila hayaan ang dalawa na magdesisyon sa kanilang lovelife ,pagkakaalam ko hindi parin nakikilala ng kapatid ko ang mapapangasawa niya dahil hindi ito sumipot sa date nila nung isang araw at mukhang hindi din sang ayon ang babaeng iyon .
“Kuya buti dumating ka?”
“Ako pa ba Dieter? Ayaw ko mawala sa mahalagang araw mo ,Syempre gusto ko makilala ang mapapangasawa mo!”
“Kelan ka pa nagkainteresado sa lovelife ko kuya?”
“Kaninang umaga lang ng malaman kong hindi ka sinipot ng Fiancee mo sa lakad niyo!’-pang aasar ko .
“Buti nga yun eh! “
“Sira ! Alam mong hindi papayag mga magulang natin.!”
“I know !”biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito.
Nagtungo na kame kung nasaan ang lahat at mukhang wala pa ang mapapangasawa ng kapatid ko marahil hindi ito sisipot uli ,pumunta ako sa mini Counter para umorder ng maiinom ,seryoso ako na sumisimsim ng Alak ng biglang may magsalita sa may tabi ko at ang boses na iyon ang nagpahinto sakin para lang mapatulala kilala ko ang boses na iyon at hindi ako nagkakamali sa tinig na iyon.
“Sorry po I'm Late!”
“Buti naman ija dumating ka kanina pa naghihintay sayo ang pamilya ng Fiancee mo!”-sabi nang Ginang na sa hinuha ko ang kanyang ina,pero teka tama ba ang narinig ko Fiancee?.Napatingin ako sa kinaroroonan ng babaeng kadadating lang nagtama ang mga mata namin kilala ko ang maamong mukha na ito hindi ako maaaring magkamali .
“Hija mukhang namumutla ka ok kalang ba?” Nag aalalang tanong ng Ginang.
“O-ok lang po ako Mom!”
“Are you sure Anak?pwede naman natin ito ipagpaliban nalang ?”
“Hindi po Mom , ok lang po talaga ako,asan po si Dad?”
“Umalis lang saglit anak babalik rin iyon!”
“Ok po!”
Hindi na maalis ang paningin ko sa babaeng iyon,lalo pa nang makita ko itong mukhang namumutla at matamlay,at kita mo talaga na hindi ito ok ,kahit pa nagprepretend itong ok sa harap ng ina niya.
Nagsimula ang salo-salo halos hindi mawaglit ang tingin ko sa dalagang nasa harapan ko ,ang liit nga naman ng mundo ang babaeng mapapangasawa ng kapatid ko ay ang babaeng nakasama ko noong isang gabi,hindi ko rin siya masisi kung hindi niya ako namukhaan dahil masyadong madilim sa aking silid,pero ibahin niya ako sanay ako sa dilim kaya kong kabisaduhin ang mukha nito ,lalo pa ng mahawakan ko ang mukha at buong katawan niya kaya kilalang kilala ko ang babaeng nagpainit ng gabi ko.
Pero paano ko sasabihin sa kapatid ko na may nangyari samin ng mapapangasawa niya ang masaklap pa ay ako ang unang nakaangkin dito.
“Kuya may problema?”agaw pansin ni Dieter na katapat ko habang katabi ang Fiancee niya .
“Nothing!”
“Ok!”
“Excuse me but i need to go”paalam ni Qadira hindi pa ito tuluyan nakakatayo nang bigla nalang ito nawalan ng balanse at nawalan ng malay buti nalang ay maagap itong nasalo ni Dieter.
Sinugod namin sa malapit na hospital ang Fiancee ni Dieter ng masiguradong ok na ito ay nauna nang umiwi sila Dad at Mom habang ako ay sinsamahan si Dieter dito,hinihintay lang namin bumalik ang Ama at ina ng Dalaga dahil kinausap pa nito ang Doctor .
Ilang sandali pa ay dumating narin ang mag Asawa kita sa mukha ng Ginang ang labis na pag aalala sa Anak l at Ama naman nito ay hindi mo mabasa ang itsura ng mukha,minabuti na naming magpaalam dalawa ni Dieter dahil anong oras narin para naman makapagpahinga narin ang Mag asawa,pero bago kame umalis hindi ko alam kung ano ang nag udyok sakin para sulyapan ang dalaga hindi korin mawari ang pag aalala na nararamdaman ko para sa kanya.
Sabay na kame naglakad papuntang parking Lot ni Dieter ng sa may parking Lot na kame ay nagpaalam na ito saakin .
“Paano kuya mauna na ako my Flight pa ako bukas!”
“Hindi mo man lang ba pupuntahan bukas Fiancee mo?”
“Pwede ko naman siya puntahan bago ako pumunta ng airport!” Sabi nito.
“Good!”
“Paano kuya sibat na ako ! Kita nalang tayo bukas sa Airport!” Sabi nito at sumakay na sa kanyang sasakyan at pinaandar na ito ,habang ako naiwan pa sa parking Lot ,dinukot ko ang susi ng sasakyan ko sa aking bulsa pero bigo ako na wala akong nakapang susi ng sasakyan ko kaya naman minabuti kong bumalik sa loob dahil baka doon ko ito naipatong kanina.
Pakatok na ako ng makarinig ako na parang nagtatalo at alam kong sa loob ito nanggagaling kaya napagpasyahan kong buksan ang pinto para alamin kung ano ang nangyayari hindi ko pa ito tuluyan nabubuksan ng may magsalita .
“Wala ka nang binigay kundi konsumisyon Qadira ! Kung kelan nagtanda ka saka naging ganyan !”
“S-orry p-o!” Garalgal na sabi nito,mali man na makinig ako sa usapan nila ano paba magagawa ko may kailangan ako kunin sa loob!.
“Hindi kana nahiya sa magiging asawa mo ano nalang sasabihin ng pamilya nila na ang babaeng ipapakasal nila sa anak nila ay ang babaeng disgrasyada!” Napaisip ako sa huling kataga ng Ama nito.
“S-orry p-o!” Sa ngayon ay umiiyak na ito.
“Who’s the Father?”galit na tanong nito,doon naging malinaw ang lahat nabuo ang gabing pinagsaluhan naming dalawa
“D-ad!” Sambit nito.
“I Said who's the Father of your child !?” Ikalawang pagtatanong nito.
“H-indi k-opo Alam!”
“T*****a Ano? Hindi mo Alam? O talaga ayaw mo lang ipaalam? Hindi mo naman siguro ginawa mag isa yang bata? ! So tell me who’s the f*****g Father!”
“S-orry po talaga Dad!” Humahagulgol na sabi nito ,akmang sasampalin ito ng ama at doon kona napagpasyahan tuluyang pumasok ,naudlot sa ere ang balak na pagsampal nito sa anak ng maagaw ko ang atensyon ng tatlong na sa loob ,malalaki ang hakbang na nagtungo ako sa kinaroroonan ni Qadira at lakas loob na hinarap ang Ama nito.
“Sorry Sir!” Sabi ko at naudlot ang pagtangka nitong pagsampal sa Anak.
“Don’t Tell me Dexter—-!?”
“Yes Sir Im a Father of your daughter child Sorry po,!” Pag amin ko.
“F*****g Bastard!” Sabi nito at hindi ko napaghandaan ang pagsapak nito sakin dahilan ng kamuntikan kong pagtumba,hindi ako nagpatinag dahil i know na may karapatan siya magalit dahil sa nangyari.
“Dad stop!” Awat ni Qadira.
“Anak ng aaahh! Qadira ano bang gulo pinasok mo! Talagang sa Kapatid pa ng mapapanga-sawa mo! At ikaw na lalaki ka! Pano mo sasabihin sa kapatid at magulang mo ang ginawa mo!”
“Sorry po Sir ! hindi kopo pinagsisisihan ang nangyari samin ng Anak niyo po ,matagal na po kame may relasyon ng Anak niyo kaya hindi ko po ipagkakaila na akin ang Batang dinadala niya!handa po akong panagutan siya ,isa lang pakikiusap ko hayaan niyo po na ako ang lumutas mag isa sa gusot na ginawa ko sa pamilya ko ,pangako po na pagkatapos ng lahat ng iyon !”
“Ano pa ba magagawa ko andiyan na yan alangan naman ipalaglag ko pa yan! Ipangako mo na aayusin mo kung hindi mapipilitan ako makielam sa buhay niyo!” Sabi nito .
“Dad!?” umiiyak na Tawag ni Qadira .
“Ipadadala ko nalang ang mga gamit mo!” Malamig na sabi nito sa Anak.
“No Dad please don't do this to me!” Pagmamakaawa nito .
“Ginusto mo yan diba ? “ Sabi nito at tuluyan nang lumisan .
“Sorry Anak! Kung kaya ko lang baguhin desisyon ng Ama mo!” Malungkot na sabi ng ginang .
“O-k lang M-om naiintindihan ko naman ,sorry po kung nabigo ko kayo ni Dad!”
“Basta alagaan mo ang sarili mo at ang Anak mo !hayaan mo di karin matitiis ng Ama mo ! Mauna na ako anak!” Sabi ng ginang sabay yakap sa Anak ,pero bago pa ito tuluyang makalabas nagsalita pa ito.
“Alagaan mo sana ang anak ko ipagkakatiwala ko siya sayo!” Sabi nito at tuluyan nang sumunod sa Asawa nito.
Dina napigilan ni Qadira ang pag iyak ,naawa ako para sa kanya dahil kasalanan ko naman din ang lahat kung nagcontrol lang ako edi sana hindi siya nasasaktan ng ganito .