Chapter 24 ----SELDA’S FLASHBACK---- “Nakalock” Sabi ng tauhan na pinipilit buksan ang pinto. “Sirain na ninyo ako ang bahala na magbayad ng kapalit na lock” Sabi naman ni Nesa na parang nagsisimula ng kabahan sa pwedeng makita sa loob. Kumuha nga ng panglagare ang lalake at sinimulan baklasin ang kandado. Sabay sabay silang napasigaw ng makita ang bangkay ng ni Mayor Ted habang namimyesta ang mga ibat’ibang hayop sa pagkain sa katawan nito. “R-Roger” Naiiyak naman si Nesa ng makita ang lalake na puro sugat din at kinakagat ng mga ipis at daga pero mas nagulat sila ng biglang isubo nito at kainin ang gumapang na ipis sa bibig nito. Tuluyan na nga itong nawala sa katinuan. Pinakita pa nito habang nginunguya ang insekto saka tumawa. Nawalan naman ng malay si Nesa sa nakita. Nabalita ang

