Alam niyang hindi tama itong pinapasok niya pero talagang gusto niya malaman ang tunay na pagkatao ni Stanley Wilson. Hindi rin naman siya matatahimik gayung nakatatak na sa isip niya ang ginawa nitong kagila-gilalas na bagay na yun. Kanina pa niya inaabangan ang binata pero wala pa rin ito. Nagtanong siya kanina sa mga empleyado dito ang sabi wala daw particular na oras kung dumating ang boss nila. Napabuga siya ng hangin. Ayos lang maghintay siya ng matagal aabalahin muna niya ang sarili sa pagbabasa sa napili niyang libro. Nakasalampak siya sa malamig na tiles na sahig at nakasandal sa mga nakasalansan na libro na nasa shelves. Tutok na tutok siya sa binabasa niya hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. Naalipungatan lamang siya ng may bumubundol sa may paanan

