Mataman niya pinakatitigan ang babae. Nararamdaman niya ang pagkapahiya nito at pagkaligalig. He sighed. "Pasensya na pero hindi kita matutulungan sa pagsusulat mo," aniya. Huwag ka nga malupet sa kanya baka sa huli iyan din ang sabihin niya sayo kapag kinailangan mo ang tulong niya! Sita ng inner wolf niya. "Ganun ba,a-ayos lang..pasensya na sa abala,medyo mahirap kasi ang pinasusulat sakin ngayon ng boss ko at i-ikaw lang naisip ko na makakatulong sakin para makapagsulat," anito. Naikuyom niya ang mga palad. "Romantic story kasi pinapagawa sakin kaso...hindi talaga iyun ang genre ko,"saad nito. Bumuga siya ng hangin. Naaapektuhan siya sa nakikita niyang lungkot mula rito. Damn! Inaasahan na niya na may koneksyon sila sa isa't-isa ng babae ito pero...katahimikan ang gusto niya a

