CHAPTER 2

1816 Words
ALYSSA POV Halos kalahating oras na kami sa dance floor nang maramdaman kong may lumapit sa akin at matamang nakatitig. Natigil ako sa pagsayaw at nilingon kung sino iyon. “Bakla!” sigaw nito, sabay sunggab at yakap sa akin. “Huh?” naguguluhan kong sambit. Hindi ko agad siya nakilala dahil sa kapal ng make-up niya. Wala ring pakialam ang mga kasama ko—abala na sila sa kani-kanilang ka-partner. “Alyssa! Buti na lang ikaw ’yan. OMG, bakla!” tiling sabi niya. Doon ko lang siya nakilala—sa boses niya. “Ismael???” gulat kong tanong . “Gaga, Ismat—not Ismael!” maarteng pagtatama niya, sabay irap. “ISMAT!” sigaw ko rin at agad ko siyang niyakap nang mahigpit. “I miss you so much, bakla!” Si Ismat ang isa sa mga best friends ko noong high school. Matagal na siyang nakatira at nagtatrabaho sa UAE. Dati, madalas kaming magkasama sa dance studio dito sa Dubai, na nagtuturo ng sayaw. Pero simula nang malipat siya sa Abu Dhabi at dumaan ang pandemic, naging madalang na ang pagkikita at usap namin. “Bakit ang pangit mo na?” biro ko. “I know, right,” sagot niya, sabay taas ng kilay. “Balik Dubai ka na ba?” tanong ko. “Hindi, bakla. May event lang kami today. Mas malakas ang kita sa Abu Dhabi ngayon,” paliwanag niya. “Girl, you lost weight ha. Mas sumeksi ka,” dagdag pa niya. “Thank you, bakla,” natatawa kong sagot. “Girl, I need your help. That’s why I approached you,” biglang seryoso niyang sabi. “Ganun?” Kunwari’y nagtampo ako. “Kaya mo lang ako nilapitan kasi may kailangan ka?” Sabay talikod. “Besshy, please! I really need you!” Halos magmakaawa na siya. “Gaga, kung uutangan mo ’ko—wala akong pera. Baka natakbuhan ka na naman ng jowa mo!” biro ko. “Excuse me?! Mukha ba akong walang pera?” sabay turo sa sarili, nakapilantik pa ang mga daliri nito. Natawa na lang ako. Hinila niya ako sa gilid. “Bakla, hindi pera. Promise.” Napansin ko ang seryoso niyang mukha. “Ano ba kasi ’yon?” tanong ko. “May VIP kaming performance mamaya. Kaso yung partner ko, nalasing—hindi na makatayo!” Napailing ako. “Kaya naghahanap ako ng pwedeng maging partner… and guess what? Ikaw nakita ko!” “Bakla, two years na akong hindi sumasayaw. Wala akong practice,” pagtanggi ko. “Girl, may oras pa! 1 AM pa ang show—more than two hours pa tayo. Please!” Hindi ako agad sumagot. “Promise, hati tayo sa kita. Lagot ako sa boss ko pag wala akong performance ngayon.” Napabuntong-hininga ako. “Sige na nga,” sagot ko. “Yes!” sigaw niya, sabay yakap sa akin. “Half ng kita ko, sa’yo!” “Kailangan ko rin naman ng extra. Uuwi ako ng Pinas,” sagot ko. “No worries, bakla! VIP ’to—malaki kita!” “Wait, magpapaalam lang ako.” Hinila ko siya pabalik sa table at ipinakilala sa mga kaibigan ko. Kilala na niya sina Chef at Ate MJ. Ilang beses na rin siyang nakitulog sa amin noon. “Chef, Ate MJ, hihiramin ko muna si Besshy ha. Siya na partner ko tonight,” reklamo pa niya tungkol sa lasing niyang kasama. “Sure, no problem,” sagot ni Chef. “Don’t go, ha, watch our performance!” paalam ni Ismat bago niya ako muling hilahin. “Bilisan na natin!” Pumasok kami sa isang pintuan sa likod ng club. Maluwang ang loob—parang maliit na studio na napapalibutan ng salamin. Pinatugtog niya ang music. “Wear this muna,” sabay abot ng t-shirt. Nagpalit ako agad. “First tango, then jive, cha-cha, and bachata,” paliwanag niya. “Wait! Ang dami naman!” reklamo ko. “Girl, kabisado mo na ’to! Keriboom boom mo ’yan!” sagot niya. Napailing na lang ako at sumabay na sa ensayo. Kahit medyo rusty ako, bumabalik agad ang katawan ko sa galaw. Parang muscle memory. “See? Wala ka pa ring kupas!” puri niya. “Pero tumaba ka ng konti,” dagdag pa niya. “Ha?! Kanina sexy ako, ngayon mataba na?” sagot ko. Tawanan kami. “Wait here, kukunin ko outfit,” sabi niya. Pagbalik niya, may kasama na siyang waiter na may dalang drinks. Uminom agad ako ng tubig—uhaw na uhaw na ako. “Choose your outfit,” sabi niya. Napangiwi ako. “Bakla! Parang wala na akong suot dito ah!” “Hoy, Dubai ’to! Nagsusuot ka nga ng ganyan dati!” Pinalo ko siya. “Refined woman na ako ngayon!” taas-noo kong sabi. “Refined? Kaya ka iniwan!” banat niya. “Alyssa Marie Abenilla! 30 ka na, girl!” Tinangka ko siyang hampasin ulit pero nakaiwas siya. “Tonight is your night, Besshy. Malay mo, may ma-inlove sa’yo!” “Pass,” sagot ko. Pinili ko ang 3-inch black heels. “Bahala ka sa outfit,” sabi ko. Ngumisi siya at inilabas ang isang pulang dress—sobrang revealing. “Wala na bang iba?” reklamo ko. “Wala. Isuot mo na.” Wala akong choice. Tinulungan niya akong magbihis at ayusin ang buhok ko—nakapusod na may konting kulot sa gilid. Pagharap ko sa salamin, napangiwi ako. Kitang-kita ang kurba ng katawan ko. Halos wala nang natatakpan. “Besshy! Ang sexy mo!” masayang sigaw niya. Napailing na lang ako. “Last practice,” sabi niya. At muli kaming sumayaw—handa na para sa gabing magbabago ng lahat. LUCAS POV Upon hearing from Frank that the target had arrived, I immediately went back to my post and checked all the CCTV footage. Together with my team, General Walid, the Head of Interpol, and the Intelligence Division in Dubai, we monitored everything closely. We could see and hear all their conversations. All we need now is solid evidence to take them down. From the video, I saw several club staff escorting them into their reserved private cabin. Aside from Igor Mikhail and Fahad Ibrahim, two other Arab men were with them, along with several bodyguards. They were carrying an attaché case and traveling bags. “That one beside Igor is Mustapha Suleiman, a local drug lord. And the other one is Hamad Suleiman, his brother. Both are among the most wanted drug dealers in the UAE. We've been pursuing them for a long time,”, General Walid explained. “I hope we finally catch them all. They've been a pain in the ass!” “No worries, Sir. We've got your back this time.” I assured him. I had full access to all CCTV cameras inside and outside the Club, including the ones I personally installed inside the private cabin where the targets were staying. Kaya makikita at maririnig ko ang mga usapan ng kahit sino sa loob ng club. As I scanned through the monitors one by one, something caught my attention. Two people had just exited a door at the back of the dance floor. I zoomed in. My eyes narrowed as I focused on the woman. She looked… familiar. And how could I ever forget that face? I studied her more closely—the way she carried herself, the way her hair was styled, the dress she was wearing. This wasn’t how she looked earlier when we accidentally bumped into each other. She was already beautiful then. But now… She was breathtakingly stunning. Her dress was undeniably revealing, hugging her curves in a way that accentuated her figure. Not like those runway models—but there was something more real, more captivating about her proportions. She was… dangerously attractive. I continued following their movement through the cameras. They approached a table where a group of people seemed to be waiting for them—most likely her companions. I noticed how she blushed as her friends teased her. Without thinking, I activated the audio feed. ALYSSA POV Pagkalabas namin ng auditorium, dumiretso muna kami sa table nina Chef at Ate MJ. Hindi ko maiwasang mahiya nang makarinig ako ng mga sipol at papuri mula sa mga nadadaanan namin. Napansin kong napa-react ang mga kaibigan ko nang makita nila ako. “Ate Alyssa, ang sexy mo nman!”, it was Jean ang pinakabunso sa aming grupo. “Yap, you are so pretty and sexy tonight!”, si Aivan nman ang pumuri sa akin. Sunod-sunod ang papuri nila kaya ramdam kong namumula ang pisngi ko sa hiya. “So, what time will you perform?”, Chef asks. “In 15 minutes, sasalang na kami”, Ismat answered him. “Yssa", It’s Ate Mj, Yssa is my nickname for them. “Galingan mo ha. We will cheer you up from here”. “Ate, sobrang kinakabahan ako. Baka magkamali ako. Kung hindi lang talaga kita kaibigan, Ismat, hindi ko ’to gagawin,” reklamo ko habang nakasimangot sa kanya. “Kaya mo ’yan, Yssa, ikaw pa!” sabi naman ni Elena sa akin. “Matagal na rin kasi akong hindi nagsasayaw. Napilitan lang ako dahil kay Ismat. Kung hindi naglasing ang partner niya, manonood lang din ako ngayon,” dagdag ko pa. “Ano ka ba, besshy! Ang galing-galing mo kaya! Nakuha mo nga lahat ng steps kanina,” tuloy-tuloy na pag-encourage ni Ismat. Chef was about to take a sip of tequila when I suddenly grabbed it from him and drank it. “Pampalakas ng loob,” sabi ko pa, na ikinatawa na lang ni Chef. Sanay na si Chef sa ganito kong ugali, kaya agad niyang pinuno ang baso at iniabot sa akin. Tinungga ko iyon agad—at napangiwi ako. Pure vodka pala. Ramdam ko ang init na dumaan sa lalamunan ko. Ilang sandali pa, natapos ang tugtog at unti-unting tumahimik ang dance floor. Biglang namatay ang lahat ng ilaw at spotlight na lamang sa gitna ang naiwan. Hudyat na kami na ang susunod. Hinila na ako ni Ismat papunta sa dance floor habang inaabot niya sa DJ ang USB namin. “Good evening, everyone! Are you enjoying tonight!” energetic na sabi ng MC. “YES!” sigaw ng halos lahat, kasabay ng malakas na palakpakan. “For tonight’s event, we have a special dance number from Abu Dhabi Dance Studio. So everybody, sit back, relax, and enjoy the show! Let’s give them a big round of applause!” Malakas na nagpalakpakan naman ang lahat. Umalingawngaw ang palakpakan. Sa sobrang kaba, napapikit na lang ako saglit, nag-sign of the cross, at tahimik na nagdasal. Hinawakan ni Ismat ang kamay ko. Sabay kaming naglakad papunta sa gitna ng dance floor. Madilim pa rin ang paligid—tanging spotlight lang ang nakatutok sa amin. At ilang segundo pa… pumailanlang na ang musika. Tango.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD