CHAPTER 28 ALYSSA POV Tatlong araw na mula nang makauwi ako rito sa bahay sa Tuguegarao. Matapos ang isang linggong bakasyon sa Sta. Ana, ay inihatid ako ni Lucas dito sa bahay namin. Kinausap na rin niya ang aking mga magulang hinggil sa plano naming pagpapakasal. Taliwas sa totoong nangyari sa amin, pinalabas ni Lucas na sa Dubai pa lamang ay magkasintahan na kami. Ipinaliwanag niya sa akin na kailangan niyang gawin iyon upang hindi na mag-alala pa ang aking pamilya sa totoong nangyari sa akin sa Dubai kung paano kami nagkakilala, na sinang-ayunan ko naman. Nagulat man ay wala ng nagawa sina Mama at Papa kundi tanggapin ang nalalapit kong pagpapakasal ay Lucas. Masaya rin sila dahil sa wakas ay natagpuan ko na raw ang taong magmamahal at mag-aalaga sa akin. Noong araw din na nakauwi

