CHAPTER 30 ALYSSA POV Naging abala sa amin dahil sa pamamanhikan ng pamilya ni Lucas. Kahapon pa nagsidatingan ang mga kamag-anak ko, kaya nagmistulang piyesta sa amin, lalo na ang mga dumalo, halos lahat ng aming kapitbahay. Hindi nman hinayaan ni Lucas ang aking pamilya na gumastos, nagbigay ito ng pera kay Papa upang kanilang gagamitin sa pang handa. Ayaw man sanang kunin ni Papa ay nagpumilit si Lucas na ito ang kanilang gagamitin kaya walang nagawa si Papa kundi tanggapin ito. Kung itong pamamanhikan pa lamang ay napaka bongga na ay mas lalo pa siguro sa mismong araw ng aming kasal. Ilang litsong baboy ang inihanda at nagkatay pa para sa pamamanhikan nila sa araw na ito. Hindi rin ako nakaligtas sa panunudyo ng mga high school barkada ko sa biglaan kong pagpapakasal. Halos lahat

