A day with her

2110 Words
VENUS ATHLEA SARVANTES "Venus bumangon kana dyan kung hindi ka pa bumangon bubuhusan kita ng mainit na tubig"banta ni pinsan at mabilis na tumayo ako at deretso ng banyo. Katakot talaga si pinsan, pero alam kong gagawin niya talaga iyon. Dati nung hindi ko siya sinunod binuhusan niya ako ng tubig na may yelo. "Ang bagal mo talaga kahit kailan, pag tayo nalate humanda ka sakin"sigaw nito at mapapansin mong may halong banta pa talaga. Nang matapos ay mabilis na sinuot ko ang uniform namin at tumingin ako sa salamin at nagpacute. "Wag kana mag pacute dyan punyeta ka"galit na sigaw ni pinsan at mabilis na lumabas ako. Oh my god paano nalaman ni pinsan ang ginawa ko siguro mang huhula na siya. Pagbaba ko ay naabutan ko itong nakacross arms at ang sama ng tingin sa akin. "Sorry pinsan napasarap tulog ko eh"paliwanag ko at lumabas lang ito agad at mabilis na sumunod ako. "Araw-araw na lang yan ang paliwanag mo Venus Athlea at nakakasawa na"inis na sabi nito at napapout na lang. Hay, kanino ba talaga ito pinaglihian ni tita at kaya ganyan ang ugali. Pero kahit na ganyan yan mahal na mahal ko yan at siya pati sila inay at itay na lang meron ako. "Ano hindi ka ba sasakay, iiwanan na talaga kita"inis na sabi sa akin ni pinsan na nakasakay na pala sa jeep. Sumakay agad ako at siya na din nagbayad sa pamasahe ko ngayong araw dahil wala na akong pera. Pagkarating namin ay napansin namin na ang lahat ng estudyante ay nasa ground pa at alam kong class hour pa. "Ehh?"takang sabi ko lang at ng makapasok kami at binati agad kami ng mga students. "Venus, Alex"sigaw ni Zhia at kasama ang kambal niyang si Zyla. "Bakit wala pa kayo sa classroom?"takang tanong ko sa kanila at napansin kong wala na si pinsan mukhang pumunta sa student council room. "Free day daw tayo ngayon eh sabi ng principal kaya lang bawal umuwi pa at mamayang lunch pa daw"paliwanag ni Zyla sa akin at tumango naman ako. Nakakapagtaka ngayon lang nangyari ito at ilang sandali lang ay narinig kong may tumatawag. Pagtingin ko ay pamilyar na number at masayang sinagot ko ito at napansin ko ang nagtatanong mukha ng kambal. "Hello"masayang bati ko dito at nakangiti pa kahit hindi niya nakikita. "Hi are you free today?"tanong nito agad sa akin at naisip ko naman na free day kami ngayon pero bawal kami umalis. "Yes pero bawal daw kami lumabas ng school eh"nakapout na sagot ko dito at natawa naman ito bigla sa sinabi ko. "So free ka nga. Hmm punta ka ngayon sa parking lot"sabi nito at nagtaka naman ako bigla sa sinabi nito. "Bakit ako pupunta doon? Wala naman kaming kotse eh"sagot ko dito at natawa naman ito. "Hahaha basta go now bye"sabay baba nito at nagkibit balikat na lang ako. "Sino kausap mo?"curious na tanong ni Zyla sa akin at may napapansin na talaga ako sa pala tanong niya sa akin. "Secret"masayang sabi ko at may sasabihin pa sana sila ay nagpaalam na ako. "Bye"at mabilis na tumakbo papunta parking area at napansin ko agad ang isang pamilyar na figure at napangiti naman ako at yung puso ang t***k sobrang bilis eh hindi naman malayo yung tinakbo ko. "Athena"sigaw ko sa pangalan nito at mabilis naman na tumingin ito sa gawi ko. Ngumiti ito at mabilis na makapunta dito ng makapunta ako ay hindi ko mapigilan na yakapin ito. "I miss you"lambing na sabi ko dito at hindi ko alam bakit yun agad ang binanggit ko. Napansin kong natigilan ito pero yumakap din at ramdam ko ang t***k ng puso niya at kasing bilis na akin. Ano ba ang pakiramdam na ito? Bakit ang sarap sa pakiramdam at parang gustong gusto ko? "I miss you too wifey"bulong nito sa akin at hindi ko alam kung tama ba ang dinig ko sa huling sinabi nito pero mukhang guni guni ko lang iyon. Kumalas na ako at napansin kong nakangiti lang ito sa akin at namula naman ako bigla sa pagtitig nito sa akin. "Bakit mo ako pinapunta dito?"tanong ko agad at ngumiti nanaman ulit ito sa akin. "May pupuntahan tayo"masayang sabi nito sabay hawak sa kamay ko at pinapasok ako ng kotse niya at napansin kong wala ang driver niya. "Wala si Gaston?"takang tanong ko dito at napansin kong napasimangot ito bigla na ikinataka ko. "Day off"tipid na sagot lang nito at tumango ako na lang ako. Pinaandar nito at yung guard ay bumati lang kay Athena at hindi pinansin ni Athena. Ilang minuto lang kami na tahimik ng may maisip ako itanong dito. "Saan tayo pupunta?"tanong ko dito at nakatingin sa mukha nitong sobrang ganda at almost perfect na. "Secret"masayang sabi nito at napapout naman ako bigla ang daya naman niya. "Wag kana sad, alam kong you will love it"sabay bilis nito sa pag andar at imbes na matakot ako ay nakaramdam ako ng tuwa sa pag papaandar nito ng mabilis. Ilang sandali lang ay huminto kami at napansin ko na mapuno ang lugar. Lumabas si Athena at akala ko iiwanan ako ay yun pala ay pinagbuksan lang ako ng pinto. Nang makalabas ako ay napangiti ako sa ganda ng lugar at nagtatalon ako. "Wow ang ganda dito at ang fresh ng air"sabay talon ulit at nakita kong nakatingin lang sa akin si Athena. ----- ATHENA SAMANTHA SAAVEDRA Ngayon ko lang ulit naramdaman ang saya sa buong buhay ko. Hindi ko alam kung bakit? Pero alam ko sa sarili ko kung bakit ganto ako kasaya. This girl is the one i wish all my life and alam kong mabilis pero alam ko sa sarili ko na mahal ko na siya. Love? Dati hindi ako naniniwala dyan pero ngayon eto dumating sa akin at alam ko na kung bakit ganun ang parents ko at bakit lagi sila masaya kahit na may mga problemang dumadating sa amin is because of love. "Athena"tawag sa akin ni Venus at bigla nanaman nagwala ang puso ko at naalala ko bigla nung nagpatingin ako sa doctor ko. · · · · · · · FLASHBACK · · · · · · · · Pinatawag ko si Dra. Perez dahil nung nakaraan na kasama ko si Venus ay sobrang bilis ng t***k ng puso ko. "Ms. Saavedra ano ang nararamdaman mo?"tanong nito agad sa akin at napahawak naman ako sa bandang puso ko ng maisip ko si Venus. "My heart i think i have a heart problem"cold na sabi ko dito at tumango naman ito mabilis na ginawan ako ng test at ilang sandali lang ay sinabi na nito ang resulta. "Ms. Saavedra wala ka naman problema sa puso and i have a question Ms. Saavedra if you don't mind"biglang sabi nito sa akin at tumango lang ako. "May iniisip ka ba nung bumilis ang t***k ng puso mo?"tanong nito agad sa akin at nagtatakang na patingin ako dito. "Yeah your right Dra."cold na sagot ko dito at ngumiti lang ito sa akin. "Ayaw ko man sabihin ito pero i think you are inlove"natatawang sabi nito sa akin at napataas naman ang kilay ko sa sinabi nito. "What are you saying Dra.?"cold na tanong ko dito at ngumiti lang ito sa akin. "I think it's for you to find out"sabi nito at nagpaalam na sa akin. · · · · END OF FLASHBACK · · · · Tama nga si Dra. Perez na inlove lang ako at paano ko nalaman tinanong ko si big sis. "Athena ayos ka lang ba?"naiiyak na tanong sa akin bigla ni Venus at nagulat ako ng bigla itong umiyak. "Why are you crying?"tanong ko agad dito at nag aalalang nakatingin dito. "Kasi hindi mo ako pinapasin at nakangiti ka lang sa puno eh"biglang sabi nito at napailing na lang ako. "I'm sorry, are you hungry na ba?"tanong ko na lang dito at mabilis naman tumango ito at tumunog pa ang tiyan niya. Kru ! Kru ! Kru ! "Let's go" aya ko sa kanya at kinuha ang kamay niya nakaramdam naman ako ng kuryente. "Saan tayo pupunta?"tanong nito at makikita mo ang curious sa mukha niya. "Kakain tayo"sagot ko lang at nang marating nanamin ay nakahanda na ang food na kakainin namin at natawa ako ng tumili ito. "Wow Jollibee"masayang sabi nito at napangiti ako sa pagiging adorable niya. "Kain na"masayang sabi ko at umupo na kami sa nakasapin na blanket. Habang kumakain kami ay sinusubuan ako nito ng fries na may sundae at sinusubuan ko naman ito ng rice. Nang maubos namin ay inayos ko ang mga pinagkainan namin at umupo lang kami. Naramdaman ko na nilagay ni Venus ang ulo niya sa balikat ko at hinawakan ko naman ang buhok niya at sinusuklay ko gamit ang kamay ko. Sobrang lambot ng buhok niya at ang bango bango pa at may pagkawavy ang hair niya. "Athena"tawag nito sa akin. "Hmm"sagot ko lang habang busy pa ako sa buhok niya. "Bakit ganto yung nararamdaman ko? Ang bilis ng t***k ng puso ko tapos gusto ko na kasama ka lang at sapat na sakin iyon, parang may nararamdaman pa ako sa tiyan ko na may kung anong lumilipad"inosenteng sabi nito sa akin at napangiti naman ako sa sinabi nito at parang katumbas na nun ang word na i love you. "Ganyan din ang nararamdaman at naiisip ko kaya pareho lang tayo"sagot ko dito at humarap ako dito. "Ano ba ito?"inosenteng tanong niya sa akin. "Ibig sabihin ni-"naputol ang sasabihin ko ng biglang may narinig ako pamilyar na ringtone. Sa telepono may tumatawag Venus ! Venus ! May tumatawag "Hello pinsan"sagot nito at nakita ko sa mukha nito ang pamumutla. "Are you okay Venus?"nag aalalang tanong ko dito at biglang niloud speaker ni Venus ang phone niya. "Hello Venus, saan kang babae ka ha? Humanda ka sakin"sigaw ng nasa kabilang linya. "Pinsan hehe pabalik na ako dyan"sabi nito at napangiti ako bigla ng sumigaw ang pinsan niya. "Umuwi kana bruha at hapon na din at ilang oras kana nawawala"inis na sabi nung kausap niya sa kabilang linya. "Opo pinsan"sabay pout nito at binaba na ang phone niya. Tumingin ito sa akin at nagpout gustong gusto ko na siya halikan pero hindi pa tamang panahon. "Uuwi na daw ako pero ayaw ko pa"malungkot na sabi nito at mabilis na niyakap ko ito. "May next time pa naman"sabi ko dito at ngumiti at hinalikan ito sa ilong. "Waah talaga?"masayang sabi nito. "Yes"sagot ko dito at mabilis na hinalikan ako nito sa pisnge ko at namula naman ako. "Hatid na kita"sabi ko dito at pinuntahan ang kotse ko. Pagkasakay namin ay pinandar ko agad at ilang minuto lang ay nasa tapat na kami ng bahay nila. "Bye"paalam ko dito at napansin kong di pa ito bumababa. "Bye, may next time pa ah"sabi nito at tumango naman ako at bigla ako nito hinalikan sa pisnge at bumaba na. Pagbaba niya ay nakita ko na may kausap siyang babae at pansin kong nakatingin ito sa loob pero hindi niya ako makita dahil tinted at mabilis na pinaandar ko ang kotse ko. ----- VENUS ATHLEA SARVANTES Pagbaba ko ay sinalubong ako ni pinsan at pansin kong nakatingin siya sa kotse ni Athena at umalis na din. "Sino nag hatid sayo?"mataray na tanong nito sa akin at mabilis naman ako ngumiti. "Si Athena"sagot ko dito at tinitigan ako. "Bakit kayo magkasama?"tanong pa nito. "Namasyal lang kami"sagot ko dito at pumasok na ako sa loob ng bahay at nakita ko sila inay at itay. "Magandang araw inay at itay"bati ko sa kanila at hinalikan sa pisnge. "Kumain kana?"tanong ni itay sa akin. "Tapos na po, pahinga lang po ako"sabi ko at nagpaalam na sa kanila at ganun din kay pinsan na nakatingin lang sa akin. Pagpasok ko sa kwarto ay naglinis ako ng katawan at nagbihis ako. Humiga na ako at pagtingin ko sa ay may mga text message akong nakita. Binasa ko at tinitigan ko at nabasa ko ang name ni Athena at binuksan ko na. "Thank you for this day wifey"sabi nito sa text at napangiti naman ako. Mabilis na nagtype ako at nilagay ko ay "Thank you din at yung promise mong may next time pa ah"sabi ko dito at agad na sinend. Nagreply ito at napangiti ako sa reply nito at hindi ko alam pero parang kinikilig ako. "Goodnight wifey see you in my dreams"mabilis na nagreply na din ako. "Good night wifey"hindi ko alam bakit tinawag ko din siyang wifey dahil mukhang bagay sa amin. Tuluyan na di ako nakatulog nun at hindi ko na nabasa ang last reply nito dahil sa dinalaw na ako ng antok. ----- Author's Note Last update hahaxD Kiligin kayo hahaxD Comment ? FantasyLover1499
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD