Zilyn’s POV Tahimik lamang akong nakaupo sa kama. It’s already dinner time ngunit wala akong gana lumabas. Ayokong magpakita sa kahit na sino dahil pakiramdam ko ay once na may magprovoke sa akin, hindi na ako makapagtimpi. Nang mag-beep ang phone ko ay agad kong binasa ang message, and it’s from Zel. “Where are you? We’re waiting for you and Zay. Bakit wala pa kayo?” I immediately replied. Bakit wala pa si Zay? Never naman na-late sa usapan ang babaeng iyon. “Hindi ako kakain. I’m on a diet. Try to call Zay.” Naghintay ako sa reply ni Zel ngunit wala na akong natanggap na kahit na ano. Pabagsak akong nahiga sa kama at saka sinubukang tawagan si Zay dahil baka kung ano na ang nangyari sa kanya. “Sorry, the number youㅡ” “Ashvier! Ashvier!” Tuloy-tuloy na pagkatok at boses ng lalake an

