I opened my eyes. Nakatulog nga pala ako sa library, napahikab agad ako at iniunat ang braso ko. Napahinto naman ako sa ginagawa ko nang may mapansin. Something is wrong. Wait. Where am I? Ang tanda ko ay nasa library ako, roon ako natulog. Pero, ba't nakahiga ako? Nasaan ba ako? Hindi kaya nakita ako ng librarian? What the hell? Hindi nga umaalis ng upuan niya 'yong matanda na 'yon. Parang nakaglue na roon 'yong pwet niya. Umupo ako at inilibot ang paningin ko. Oh, s**t. Napakagat ako ng labi ko nang mapagtanto kung nasaan ako. Bakit ako narito? Mali– paano ako napunta rito? Nilibot kong muli ang paningin ko. Napahinto ako nang makita kong nandito rin siya. Si Kobie. Nandito ako sa private room nila pero 'di niya pa ako napapansin dahil nakatingin lang siya sa phone niya. Sino

