"Dito na lang ako," sabi ko nang nasa kanto na kami ng village. Pero tuloy tuloy pa rin siya sa pagda-drive. Aish! Baka makita pa siya ni dad, e. Panibagong problema na naman 'to at paniguradong parehas pa kaming malilintikan nito. Nang huminto na 'yung kotse niya sa tapat ng bahay namin, sumilip muna ako sa labas bago bumaba. Nakahinga ako ng maluwag nang hindi ko makita si dad na naghihintay. Binuksan ko na iyong kotse niya at lumabas na. Tumingin muna ako sa kanya at pilit na ngumiti. "Salamat." Medyo hirap kong sabi. "Welcome." Isasara niya na 'yung pinto pero pinigilan ko siya. Nagtaas siya ng isang kilay na akala mo ansama ng ginawa ko. "Tandaan mo, magka-away pa rin tayo." Ngumisi lang siya. Pinigilan kong paikutin ang mata ko sa reaksyon niya. "Tingin mo ba nakalimutan ko n

