Pagdating ko ng opisina, naabutan ko ang isang bouquet sa table ko galing kay Nate. Maalalahanin talaga ito at sweet. Napailing na lang ako at sinubukang mag-concentrate sa pagche-check ng audit reports ng textile company. I wanted to make sure everything is okay para kung sakaling bumalik si Jelna ay okay pa rin ang lahat. Pagdating ng ala una, naisipan ko nang daanan ang resulta ng DNA tests sa hospital. Halos hindi ako makahinga habang binubuksan ang resulta. Ilang beses akong humugot ng malalalim na paghinga para pakalmahin ang sarili ko. I was right. Jelna and I are twins. Kaya pala malapit ang loob ko kay Janella noong una pa lang dahil pamangkin ko pala siya. Ngayon ang kailangan kong malaman ay kung sino ang totoo naming magulang, ‘yong mommy at daddy niya ba? O ‘yong nanay at

