• Audrey • He is very possessive pero, alam ko namang ayaw n'ya lang akong iwan at ayaw nya rin akong pabayaan dahil sa kaniya rin naman ako binilin nina daddy pero, hello? Hindi na naman ako bata para pabantayan. Well, wala rin naman akong magagawa dahil mas gusto ko namang kasama ko sya. Malay mo ma-a-out of place lang pala ako dun. Matapos kong magbihis at mag ayos ng sarili ay lumabas na agad ako. Tumayo naman sya agad nang makalabas na ako ng restroom ng tuluyan saka lumapit agad sa akin. "Dapat pala naka gown ka nalang." Bigla nyang sabi. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya. "Bakit naman?" Tanong ko. "Hindi ba bagay sa akin? At saka, ako magga-gown? Hello? bar po ang pupuntahan natin at hindi party, okay? Magmumukha lang akong tanga roon." Sabi ko. Buti nga may dala akong

