• Audrey • Days had passed and everything suddenly changed. Yung makukulit kong mga anak na laging naglalaro sa garden at nagdedemand ng kung ano-ano ay heto na sa sala at kasama ang Daddy nila habang nanonood ng cartoons. Wala sina ate Savannah at kuya Drew dahil may business trip ang dalawa at sinama nila si Cali dahil ayaw naman nilang ipabantay sa akin ang bata dahil may mga anak rin daw akong binabantayan. I insisted pero sila pabrin ang nanalo. Sina kuya Kyle naman at ate Eunice ay nasa trabaho na at si Daddy naman ay ang namamahala muna sa hotel dahil wala naman daw s'yang magawa at tapos na rin ang trabaho n'ya kaya napagdiskitahang pamahalaan muna ang hotel habang nandito pa s'ya sa pilipinas. Uuwi kasi s'ya next week for a business meeting. Ang sabi ko nga ay magpahinga nalang

