• Audrey • "Shet! My virgin eyes!" Mabilis pa sa alas kwatrong napahiwalay kami ni Seth sa isa't isa nang sumigaw si Tyler habang nakatabon ang dalawang mata. Feeling ko tuloy sobrang pula na ng mukha ko dahil sa kahihiyan. "f**k you!" rinig kong sigaw ni Seth kay Tyler sabay bato ng bottled water na hindi pa nabubuksan pero nakaiwas naman ito. "Bakit kasi kung maglaplapan nalang kayo dito pa sa field—putangina Steven! Muntikan na yun ah!" hiyaw ulit ni Tyler nang tapunan ulit s'ya ni Seth but this time ay bato na habang matalim na nakatingin sa kaniya. Kung hindi palang s'ya nakailag sa batong tinapon ni Seth sa kaniya'y paniguradong sapul ang mukha n'ya. "Iba pala talaga ang isang Steven Seth Park pag nabitin," singit naman ni Rain na ngayon ay nakalapit narin pala sa amin. "Nam

