• Audrey • "Ano ba yan, Zake! Hindi naman yan tama, eh! Ginugulo mo lang ako eh!" reklamong sigaw ni Mira habang tinatapunan ng basahan at kutsara si Zake na ilag naman ng ilag. "Aray, tama na baby! You're hurting me na. Hindi mo na ba ako lab?" may pagtatampong tanong naman nito habang sinasalag ng kamay n'ya ang mga basahan at kutsara na binabato sa kaniya ni Mira. "Manahimik ka! Umiiral na naman ang pagiging konyong korni mo!" sagot naman ni Mira na hindi parin maawat sa kakatapon ng basahan at kutsara kay Zake. Hindi ko alam kung biruan pa ba yang pangbabato ni Mira o totohanan na dahil hindi na maipinta ang mukha ni Zake. And infairness, masakit matamaan ng kutsara. Nandito kami ngayon sa PR ng pito. Napagkasunduan kasi naming dito maglunch ng sabay sabay dahil narin kina Mira at

