Froilan pov
“She is sensitive kuya dahil buntis siya. Plano niyang sabihin sayo after your mission. Hindi mo ba nahahalata ang mga changes niya. Naging matakaw na siya sa pagkain dahil may dragon na siya sa tiyan.”sabi ni Yona na nakausap ko sa phone. Yona is currently five months pregnant.
“What? Buntis na si Yette so hindi pala ako baog.”i shouted.
I need to fly to Philippines as soon as possible Yona, bye I love you sis.
“Oo kuya magpamesa kana sa pari dahil hindi ka nga baog. Take care and good luck, I love you too kuya,”sagot ni Yona.
Mom, dad, nasaan si Fretzy?
“Nasa office pa ang kapatid mo. And take note she is promoted as head of Antennas and Propagation Research and Engineer. Huwag kang magsisigaw anak alalahanin mo na bago pa yang sugat mo.”sabi ni mommy.
Wow good to know, she deserved to have it mom.
Kailangan kong pumunta kaagad ng Pilipinas mom. Yette is pregnant kaya daw sensitive. Mom, my fiance is pregnant I'm a dad na po.
Sa tuwa nakalimutan ko nang matured na ako.
“Talaga? Congratulation anak hindi ka baog katulad ng sinabi ng mga kapatid mo,”humirit pa si mommy.
Mommy naman isa ka rin na mapang-asar. Sige po maghahanda na ako para suyuin ang bugnutin kong Amazona. Umakyat na kaagad ako sa aking silid. Parang nawala ang aking iniindang sakit sa sugat na aking natamo. Nagkaroon ako ng panibagong lakas matapos malaman na magkakaanak na kami ni Yette. Saka ko na kakausapin si Fretzy because I'm run out of time na.
oooOooo
Kasama ko sa byahe ang tropa, kasama ang dalawang kapatid ni Yette na sina Reigan at Yasser. Pinagtatawanan pa nila ako dahil tinakasan na naman daw ako ng kanilang praning na kapatid. Nang sabihin ko sa kanila na buntis itong tumakas. Sabay na napamura ang dalawang lalaki.
Cedrian can you please track Yette whereabouts?
“Matalino ang Amazona mo kuya Froilan iniwan ang kanyang cellphone sa bahay nila. Oh baka nasa loob nga lang talaga ng bahay nagtatago. Sinasadya lang niya na tumakas kuno para umuwi ka kaagad. Kanina ko pa kasi sinubukan na i-tract dahil para kanang praning na tinatakasan. Baka kasabwat ni ate doktora ang mga tao sa bahay nila,”cedrian said. Sino ba naman kasi ang hindi mapapraning sa situation ko.
Nang tinawagan ko kanina ang mama Nina nila ang sabi umalis kasama si Lucy. Sabi ko pa nga paggabi na saan na naman sila pumunta. Don't tell me nag-inuman sila sa bar, no...no...no..
Tulog na ang mga ogag pero ako dilat na dilat ang mga mata at hindi dinadalaw ng antok. Saan ka ngayon mahal, sana okay lang kayo ni baby natin. Nababagot na ako, feeling ko ang bagal ng takbo ng eroplano.
A thousand years later....
“Ladies and gentlemen, we are now beginning our descent into Ninoy Aquino International Airport. Please ensure your seatbelts are fastened and remain seated with your seatbacks upright until we are fully parked at the gate."inform ng flight attendant. Ang iba pang sinabi ng flight attendant hindi ko na naiintindihan dahil atat na akong lumabas sa eroplano. Nauna pa ako sa b****a ng pintuan para una akong makalabas.
“Sir please wait a few minutes, the plane will descend soon,”pigil ng flight attendant sa akin.
Don't worry I'm pilot captain Smith and I'm used to this.
“Ms. Itapon mo na yan baka sakaling sa bahay mismo ng fiance niya sa Quezon City bumagsak. Galing pa ng gyera yan at comatose. Nang magising at nalaman na tinakasan ng fiancé. Kulang nalang hilingin ang anting-anting ng mga aswang at parahin ang manananggal na nakasakay sa walis tambo”pambubuska pa ni Cedrian. Sinamaan ko ito ng tingin, ang ibang pasahero naman nagsitawanan sa kanilang narinig.
Umayos ka Della Torres kung ayaw mong isumpa kita.
Ang mga ogag malakas na napahalakhak sa aking sinabi.
From airport dumiretso na ako sa bahay nila Yette. Gusto ko kaagad makausap ang mga magulang at kapatid niya. Ipinakita ko pa ang sugat sa aking balikat. Natakot pa ang mga magulang ni Yette dahil baka ma-infection ang aking sugat. “Kailangan kong mahanap ang pasaway kong fiance kaya napauwi ako ng wala sa oras Tito.”sabi ko sa ama ni Yette.
Hinanap na po ba ninyo si Yette?Mahal na mahal ko po ang anak ninyo at hindi ko po siya sasaktan o pagtataksilan. Ayoko lang mag-alala siya sa kalagayan ko kaya hindi ko muna siya kinontak. Sobrang delikado po ang mga pinagdaanan namin para lang masugpo ang mga terorista. Tulog ako nang tumawag siya kaya hindi ko naipaliwanag ang nangyari sa akin. Hindi ko naman akalain na sa mababaw na dahilan muli na naman niya akong tatakasan. Saan po ba ang resort ng kaibigan niya?
“Pinuntahan na namin sa Cavite pero wala sila doon.”si Tito. Alam namin kung gaano mo siya kamahal hijo. Pagpasyensyahan mo na ang anak naming pasaway. Makulit lang talaga at lalong naging sobrang sensitive dahil buntis naman pala,”si tita.
“Dalawang pasaway ang tumakas kaya tiyak mahihirapan tayo. Sanay sa mga kalukuhan ang mga iyon kaya kahit anong hanap natin hindi mahahanap ang mga yon.”saad pa ng daddy ni Yette.
“Na-stress ako sa mga anak mo Zaira kung kelan tumatanda saka pa naging pasaway.”dismayadong sabi pa ni tito.
“Mom, hahanapin ba namin o hahayaan nalang?”singit ni Yasser.
“Huwag mong pag-aksayahan ng panahon tol dahil namundok na ang dalawang yon. Kambal ang mga ugali nina bunso at Lucy kaya wala tayong mapapala kapag pinilit natin na hanapin. Sinasabi ko sa inyo, hindi uuwi yon hanggat hindi manganak. Ikaw bro paghandaan mo nalang ang pag-uwi ng mag-ina mo. Huwag kang mag-alala dahil kaya ng bunso namin ang sarili niya.”payo ni Reigan.
“Magtrabaho ka habang hinihintay mo ang mag-ina mo. Paghandaan mo nalang ang pagdating ng isa mo pang makulit na anak. Sana baby girl ang panganay para maganda,”si Yasser.
“Oo nga kasi si doc. Rochelle lalaki ang panganay.”komento naman ni Reigan.
“Ikaw Reigan anak kailan ka naman mag-aasawa? Nahuli kana sa byahe ng mga kapatid mo aba kumilos kana.”natatawang sabi ni tita Zaira.
Nabaling na sa kanila ang usapan. Napaka-cool ng pamilyang ito, kasambahay na tinuring na sariling pamilya. It's amazing to watch them loving it's other through heart not by blood connection.
Tito, tita, can I stay here po? Ayokong umuwi sa condo dahil malulungkot lang ako. I grab the opportunity to stay their house para kapag may balita na o bumalik si Yette alam ko kaagad.
“Sure hijo, sa kwarto ni Yette kana tumuloy. You're free to stay hanggat gusto mo.”sagot ni tito.
“Daddy sigurista yang fiancé ni bunso. Akala siguro nya tinatago natin si bunso kaya gusto niya manatili dito sa bahay natin,”singit ni Reigan.
“Mama, tinago mo ba ang bunso mo sa bahay natin?”dagdag pa niya.
Damn this man at talagang inaasar na naman ako. Nagsitawanan na tuloy silang lahat dahil naging reaction ko.
oooOooo
“Nang dumating ka sa buhay ko, naniwala ako sa dala mong liwanag ng pag-asa at pag-ibig lalo na nang ika'y nangako at sinali mo ako sa iyong pangarap. Ngunit lahat ng mga ito ang gumuho sa aking mundo dahil naniwala ako sa iyo.
Di na ako naniniwala sa handog ng pagsikat ng araw dahil nang ako'y iyong nilisan, bawat umaga ko'y pag-asang hatid ay kawalan.
Di rin ako naniniwala sa paglubog ng araw dahil sa kanyang pamamaalam, ganda't kulay niya, kaakibat ay pangungulila.
Di rin ako naniniwala sa halik ng buwan- may gabing ika'y hahagkan, may gabing ika'y iiwanan. Pag-ibig niya'y darating, lilisan- di mawari sa karimlan.
Di rin ako naniniwala sa mga bituin dahil ang pag-ibig sa kanila'y maaaring mahulog sa kalangitan at maging abo nang tuluyan.
Ngunit ako'y naniniwala sa mga mumunting alitaptap. Sila ang pag-ibig na di nang-iiwan. May liwanag na kusang lumalapit at yumayakap. Ang tanging tanglaw na nagpapakita na ang pag-asa't pag-ibig ay buhay. At kung ipagkakatiwala ang puso sa kanila, siguradong abot-kamay ito sa lupa.”
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa narinig kong boses. Parang boses ni Yette ang aking narinig. Isa na namang pighating kataga ang pumasok sa aking panaginip. “Mahal ko umuwi kana please. Ang tagal ko nang naghintay sayo ginamit ko pa ang cellphone mo para malaman ko kaagad kong saan ka naroon.”anas ng isip ko.
Habang nasa poder ako ng mga Marcos at nagpapagaling sa aking sugat. Makaraan ang dalawang buwan naghilom na ang aking sugat. Ako na ang naghahatid sa mommy at daddy ni Yette sa kanilang opisina. Then I start to build my own business here in the Philippines sa tulong ng aking mga magulang at mga magulang ni Yette.
Malapit na akong mag-isang taon sa paghihintay. I'm sure nakapanganak na si Yette. At siguro oras na para halughogin ang buong Pilipinas. Naipatayo ko na ang Yette Smith Fashion, Smith Mother and Child Care Hospital. At ang pinaka malaking Smith-Marcos Garments Industrial Corporation sa Dasmariñas, Cavite. Share holder ang buong family member ni Yette. Nanunuod ako ng tv nang biglang may dumating.
“Magandang tanghali mama Nina, kumusta kayong lahat dito? Long time no see and finally I'm back. It's good to be home,”sabi ng isang pamilyar na boses. Agad akong tumayo mula sa aking pagkakaupo sa coach...