Masayang nairaos ang birthday ni kuya Yasser kagabi. Kinilig ang lahat sa mga kaganapan. Sa awa ng diyos may girlfriend/fiance na si kuya Yasser.
Flashback...
Happy birthday to you!
Happy birthday to you!
Happy birthday pilot marshall Marcos.
“Blow your candle sir” sigaw ng lahat.
Kuya hilahin mo ang ribbon pataas. Namumula naman si Doctor Rochelle Amago Geral. Well, boto naman ako sa doctor dahil maganda naman ang ugali nito. Nalaman kong matagal na pala siyang nililigawan ni kuya Yasser. At akala nga ng lahat may relasyon na sila. Kaya todo respito ang mga kasamahan nila sa kanya. Mabait, masayahin at magaling makisama. I remember noong bagong pasok palang ako dito. Ang talim ng tingin niya sa akin. Ngunit ng malaman niyang kapatid pala ako ni kuya Yasser saka niya ako ini-entertain.
Buksan mo na nangangalay na ang kamay ko. At ang batang makulit namin naka-live video pala. Dahil sa kanyang pagiging energetic mahal na mahal siya ng mga sundalo sa camp. She is a living doll na biglang nagpasaya sa buong camp. And I am a lucky one dahil sa akin ipinagkatiwala ni general Galido ang bata.
Nang hilahin ni kuya ang ribbon dalawang OO ang lumabas. Naghiyawan na ang lahat pero ang kapatid kong ingot di parin na gets.
“Anong gagawin ko dyan sa dalawang bola?”he asked.
Malamang stress ball yan bradar, langya ka si doc Rochelle pa ang mai-stress sayo. Nagsitawanan tuloy ang lahat sa kanilang mga narinig.
“Sir sinagot kana ni Doc Geral”sigaw ng isang sundalo.
Naawa naman ako sa reaction ni doc Rochelle dahil parang napahiya siya.
“Totoo doc?”tanong ni kuya.
Huwag kang assuming capt. Marcos, stress reliever mo lang yan. Ako ang gumawa ng cake kaya ako ang may pakana niyan.
Pesting yawa ka kuya hindi kana kakausapin ni ate Rochelle. Bwesit isang kalahating tanga ka uy g*go, basted kana...penesshhh na wala kanang pag-asa pa.
Medyo lumayo na si doc Rochelle sa gawi namin kaya napapalitan ko si kuya.
Sir Galido thank you for allowing us to celebrate this special day of mine. And ladies and gentlemen, my co-pilots, comrades, commanders may nais sana akong ibabahagi sa inyo. Alam
naman ng lahat kung kanino tumitubok ang aking puso. Let me introduce my woman, my girlfriend and soon to be wife Doctor Rochelle Amago Geral. Nagulat si doc Rochelle sa kanyang narinig. Napuno naman ng hiyawan ang buong camp. Boss please come here, sorry kong inamin ko na without your permission.
Baby did you captured the scene?
“Yes mom, no worries grandma, grandpa, Tito's and tita's are watching my live video.”sagot ni Luna.
Mukhang magiging director itong anak ko ah. May future sa filming career hahaha.
“Boss, Doctor Rochelle Amago Geral will you marry me? Will you be Mrs. Marcos for the rest of our life?”sabi ni kuya Yasser habang nakaluhod.
“Ayyy kapatid ko yan, sundalo nga siyang tunay. Luhhhh akala ko mambubugbog pa ako ng tangang kapatid. Say YES ate Rochelle and welcome to the family.”para na rin akong gagang nagsisigaw Sa tuwa.
“Yes I will marry you pilot marshall Yasser Marcos.”sagot ni ate Rochelle.
Yes may ate Raiza at ate Rochelle na ako. Binuhat ni kuya si doc Rochelle at hinalikan sa labi. Ang unang halik, letson na pag-ibig. Ang OO, girlfriend, fiance ay naging 3 in 1 kape puro. Sila ang may lovelife pero bakit ako ang naging excited.
“Bunso tumigil kana dyan dahil nagmukha kanang kiti-kiti sa kilig.”sabi ni kuya Reigan habang kumakain. Panira ka talaga ng moment kuya. Palibhasa legit ang inggit mo dahil wala ka pang lovelife. Haiiissttt masayang natatapos ang aming salu-salo. At ang lahat ay matutulog na may ngiti.
Nakausap ng pamilya ko ang bagong magiging myembro ng pamilya namin. Malugod naman nilang tinanggap. At syempre hindi mawawala ang paalala ni mommy na alagaan ang bunso niya hahaha.
“Thank you so much Yette. Salamat sa pagtanggap mo sa akin, masaya ako na magiging sister in law na kita.”doc Rochelle said.
May another ate na ako at masaya din po ako. Welcome to Marcos family po. Na dis-appoint ka kanina noh?
“Haha halata ba na nasaktan ako? Syempre na offend ako dahil naging assuming pala ako na sagotin si kuya mo.”sabi ni doc Rochelle.
Pinagalitan ko kaya natauhan lang po. Mamaya mo na awayin si kuya kapag pumunta sa bahay mo doc.
End of flashback....
Comrades tomorrow we have a special visitors. The head team of Philippine Air Force will visit us.
Magpakita din kayo ng gilas, ipakita ninyo ang inyong galing bilang mga sundalo ng 10th Special Action Battalion
Military Barracks: Bungabong Oriental Mindoro. One of the best pilot ng Pilipinas ang bibisita sa atin. She is the outstanding pilot na mapasama sa digmaan between Ukraine and Russia. She will visit us para tingnan ang abilidad ng ating mga piloto. Marami pa silang mga activities na gagawin kaya be prepared everyone.
Sino naman kaya ang darating?Tatlong buwan na ako dito wala namang nagbibigay ng ayuda. Bakit ngayon pa sila darating eh after tomorrow na naka-schedule ang free check-up outreach mission ko sa mga district dito sa Mindoro.
Excuse me sir, bakit ngayon pa nila naisipan na bumisita? May naka-schedule na outreach mission na ako sa mga kababaihan after tomorrow. Pambihira naman oh naka publicity na ang mga schedule. Paano ko pa ba i-cancel ang mga iyon?
“Dont worry about it Doctora Marcos dahil may makakasama ka sa outreach mission mo. May mga doctor din silang mga kasamahan na pupunta dito. They will provide us free medicines and some equipments for our medical center.”sabi ni heneral Galido.
Kaya ba simula noong isang araw puro pintura at linis ang pinagkakaabalahan ng lahat? Kolokoy din pala itong heneral namin mahilig sa ambush. Mabuti nalang at palaging malinis ang opisina naming mga doctor. Makintab na yon at pinalitan ko pa ang mga kurtina ng hospital para mapadali ang paggaling ng mga pasyente.
Palagi nalang surprise ang mga kaganapan.
oooOooo
May pasyente akong manganganak kaya nagpaalam muna ako kay general Galido na mahuhuli ako ng dating. Pumayag naman siya dahil emergency naman ang pupuntahan ko. Iniwan ko na si Luna kay Lolo Romulo. Hindi naman malikot na bata Si Luna kaya hindi mahihirapan si Lolo sa pagbabantay. Bibili pa ako ng bagong cellphone dahil ang aking cellphone si Luna na ang user.
Mga kabataan talaga ngayon naging matalino na. Daig pa ang mga matatanda kapag ginagamit ng cellphone. Minsan natanong ako ni kuya Reigan kung hindi ba daw ako nag-alala na baka makita si Luna ng tunay niyang mga magulang. Sabi ko naman okay lang na magkita sila at mas maganda nga yon dahil makakauwi na siya sa piling ng totoo niyang mga magulang. Inaalagaan ko lang naman ang bata hindi ko ito inaako na magiging akin.
Lo, alis na po ako ha. Nakahanda na ang inyong almusal kumain nalang po kayo.
“Mag-iingat ka apo sa daan at dahan-dahan sa pagdrive ng Ducati mo na yan. Ako ay natatakot sa pagmamaneho mo ng motor na yan.”nag-alala na sabi ni Lolo Romulo.
Sige po mag-iingat po ako, kayo na po ang bahala kay Luna.
Nasa bag na ang aking uniform, dinala ko na para pagkagaling ko sa pasyente maka-deritso na ako sa camp namin.
Pagkababa ko pa lang ng motor nag-panic na ang ama yata ng bata dahil nakita na daw niya ang ulo ng anak niya.
“Doc bilisan mo po, manganganak na si misis.”sabi niya.
Relax po sir maging maayos rin ang lahat. Kaya agad na akong pumasok sa loob ng kwarto nilang mag-asawa.
Ma'am close your mouth and push. Isara mo ang bibig mo habang umiire kayo. Okay malapit na si baby ma'am relax lang po. Ayan lumabas na it's a baby boy po. Malusog si baby kaya huwag kayong mag-alala.
“Doc, sumakit ulit ang tiyan ko,”sabi ng ginang.
Inaykopo napaka swerti ko naman dahil palaging kambal ang naisisilang sa kamay ko. Sige repeat the process po, push mo lang ng paunti-unti habang nakatikom ang bibig ninyo. Huwag nyong pwersahin dahil kayo ang mapapagod sa kakaire. Ma'am kapag humilab po ang tiyan ninyo sabayan ninyo ng pag-eri ha. Sige ma'am eri po, huwag kang sumagap ng hangin para hindi bumalik sa loob ng tiyan mo ang bata. Sige pa eri pa po ma'am. Baby boy again ma'am congratulations po. Unang baby pa pala kaya natatakot umire.
“Maraming Salamat po doc,"sabi ng babae. Medyo natagalan pa ang paglabas ng unan. After 20 minutes lumabas na rin ang mga unan na pasaway.
Nilinisan ko na kaagad ang bata pinutol ang pusod sinuotan ng damit. Pagkatapos ay tinahi ko ang kiffy na winasak ng dalawang bata. Pinaligoan na rin ng maligamgam na tubig ang nanay para malinis saka pinahiga. Binigyan ko ng gamot at vitamins para maging malusog ang mga bata. Tuwang-tuwa naman ang mga Lolo at Lola ng kambal pati mga Tita at Tito nakiusyoso kaagad.
Nakiligo na rin ako sa kanilang washroom. Nagulat pa ang asawa ng nanganak dahil paglabas ko naka army uniform na ako.
“Doc, sundalo pala kayo?”gukat niyang tanong.
Military doctor po to be exact.
“Maraming Salamat po doc!”pasasalamat niya.
Ingatan mo ang iyong kambal sir. Mauna na ako dahil may mga bisita kaming parating mula pa maynila.
“Ma'am magkano po ba ang bayad?”he asked.
Libre ko na bilang ala-ala sa lugar na ito.
“Salamat doc, maraming salamat, dahil napakabait mo”sabi ng mga matatanda.
Sige po ingatan ninyo si baby at ang gamot ni mommy ipainom ninyo sa tamang oras. Bibisita nalang po ako next day.
Agad na akong umalis dahil talagang late na ako sa seremonyas ng mga bisita. Alas nuebe daw ang dating nila eh 10:25 am na. Ganda talaga nitong Ducati Monster ni kuya Reigan.
Apat na helicopter ang lumapag, ilang dosena ba ang mga bisita ng 10th Action Battalion Bungabong Oriental Mindoro? Nakakatakot naman tapos pa special pa ako dahil nahuli ng dating. Pasimple ko nalang ipinarada ang ducati sa tabi. Kinuha naman kaagad ng isang sundalo ang bag kong dala. Nagsasalita na ang heneral sa harapan.
“Doctora Maria Yette Peralta Marcos come on stage please. Ladies and gentlemen I apologize na nahuli sa pagdating ang aming isang doctor sa kadahilanan na may pasyente siyang pinuntahan.”sabi ni general Galido.
Nagtaka naman ako kung bakit nakayuko ang mga bisita. Imbis na ako ang mahiya sila pa ang nahiya sa akin ganurnnn.
“Doctora Maria Yette Peralta Marcos reporting sir. I apologize for being la----”shoked.
Nabitin sa eri ang aking dila habang nakasaludo parin ang aking kanang kamay. Lupa bumuka kana ngayon din at ako'y iyong lamunin.....